HomeCelebritiesChot Reyes, inulan ng boo mula sa mga Filipino basketball fans bago...

Chot Reyes, inulan ng boo mula sa mga Filipino basketball fans bago ang Gilas vs Saudi

Inulan ng boo ang Kakampink Coach na si Chot Reyes mula sa mga Filipino basketball fans na personal na pumunta sa Mall of Asia (MOA) Arena upang manood ng laban ng Gilas Pilipinas laban sa Saudi Arabia.

Sa ilang video na kumakalat sa social media, maririnig ang galit at pagkadismaya ng mga fans ng ipakita sa screen ang mukha ni Reyes na matatandaan na nagbigay ng mga record-breaking na pagkatalo sa basketball national team nitong mga nakaraang linggo.

Lalo pang nangigil ang mga netizens ng sabihin ni Reyes na hindi kailangan manalo ng Gilas sa Lebanon.

Sinagot naman noon ni Reyes ang kanyang mga kritiko at sinabi na hindi naman siya nagtatrabaho para sa kanila.

“I don’t work for the bashers or for the haters. I win, I’m basked. I lose, I’m bashed, but I worry more about my family. They’re getting bashed, too.” sabi ni Reyes.

Ilang netizens naman ang nagbigay ng reaksyon sa ginawa ng mga fans kay Reyes.

The satisfaction of hearing the crowd boos for Chot Reyes from his motherland. Keep ‘em going.” wika ni @mkarlgatdula.

“The boos to Chot Reyes, in your own country sir,” sabi ni @nationalufan.

Sa ngayon ay wala pang reaksyon si Reyes sa ginawang pagtrato sa kanya ng mga fans.

Inaasahan naman ng mga basketball fans na ipapanalo ng Gilas Pilipinas ang kanilang laban sa Saudi.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular