HomeCelebritiesAles Vodisek, sinabing may problema sa pag-iisip ang kanyang asawa: "You cannot...

Ales Vodisek, sinabing may problema sa pag-iisip ang kanyang asawa: “You cannot go better until you get medication,”

Naglabas na ng kanyang opisyal na pahayag ang foreigner na nasa gitna ngayon ng isyu na pinag-uusapan ngayon ng mga netizens sa social media.

Matatandaan na nitong nakaraang linggo ay umikot ang diskusyon ng mga tao tungkol sa diumano’y love triangle sa pagitan na si Ales Vodisek, asawa nitong si Jorryme Vodisek at ang bestfriend ng foreign national na si Shaira Mae Boyonas.

Kumalat kasi ang mga wedding pictures ng mag-asawang Vodisek kung saan tila mas nangibabaw ang presensya ni Shaira.

Nitong Agosto 28 naman ay naglabas ng kanyang pahayag si Ales upang ipaliwanag ang kanyang panig.

screencap 2022 08 28 at 1.58.03 PM

Kwento ni Ales ay noong una ay kontra na talaga ang kanyang asawa na maging best woman si Shaira sa kanilang kasal, ngunit kalaunan ay pumayag ito.

Ayon kasi kay Ales ay kung hindi si Shaira ang kanyang magiging best woman ay hindi siya magpapakasal kay Jorryme.

Ngunit noong dumating na ang mismong araw ng kanilang kasal ay may mga hindi siya nagustuhang bagay na ginawa ng kanyang asawa na si Jorryme.

Isa na dito ay ang pagpili ni Jorryme ng best man na hindi man lang kilala ni Ales.

“How you will tell anything about me if you don’t even me?” tanong ng foreigner.

Ilang beses din daw sinubukan ng mga kakilala ni Jorryme na ipagtabuyan si Shaira sa kanilang kasal.

ales vodisek

“This is totally disrespectful and that I am saying Shaira is my best woman and nobody want to even listen and just faking the wedding,” aniya.

Sinubukan niyang ayusin ang relasyon nila ni Jorryme sa pamamagitan sana ng counseling ngunit hindi pumayag ang kanyang asawa sa kanyang mga mungkahi.

Kwento pa ng foreigner ay nagkasundo sila ni Shaira na hindi na sila mag-uusap bilang pagbibigay respeto kay Jorryme ngunit hindi daw tumigil ang kanyang asawa.

Dahil sa sobrang ‘toxic’ na ng kanilang relasyon ay nagdesisyon na si Ales na makipagkalas na kay Jorryme.

“We didn’t broke up because of Shaira, there was no adultery, there was never ever an adultery,” paliwanag niya.

Nagulat na lamang siya ng biglang mag-post ng mga akusasyon si Jorryme gamit ang social media laban sa kanya at kay Shaira.

Ayon sa kanya ay pinagsisihan niya na pinakasalan niya pa si Jorryme me.

“I’m a terrible person, but I admit I made a mistake… I marry you and you didn’t want to go to talk… You need a professional help, this is the direct answer,” sabi pa niya.

Naniniwala rin ito na mayroon ng sakit sa pag-iisip si Jorryme kaya niya ito nasasabi.

“You cannot go better until you get medication,” wika ni Ales.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular