HomeCelebritiesAles Vodisek may kasunduan noon kay Jorryme bago sila ikasal: No Shaira...

Ales Vodisek may kasunduan noon kay Jorryme bago sila ikasal: No Shaira Mae, no wedding

Ibinahagi ng foreigner na si Ales Vodisek na hindi naman talaga siya magpapakasal sa asawa niyang si Jorryme kung hindi ito pumayag sa kanyang kondisyon.

Sa kanyang video na ibinahagi nitong Agosto 28, sinabi ni Ales na noon pa lamang ay gusto niya na talagang maging best woman ang ‘bestfriend’ na si Shaira Mae Boyonas.

Ngunit ayon kay Ales ay kinontra ito ni Jorryme at sinabi na hindi sila ikakasal kung andoon si Shaira.

Pumayag naman siya na hindi na sila magpakasal ni Jorryme dahil ayaw talaga nito na makita si Shaira Mae.

“Me and Jorryme talk about the wedding, and I said that I would like Shaira as my best woman on the wedding,” paumpisa ni Ales. “And she said ‘no then we will have no wedding’ and I said ‘okay, we will not have a church wedding’.

Sa huli ay pumayag naman daw si Jorryme na ituloy ang kasal kahit andiyan si Shaira Mae sa kanilang tabi.

Sa ngayon ay wala pang opisyal na pahayag ang asawa ni Ales tungkol sa paliwanag ng kanyang foreigner na asawa.

Matatandaan na si Shaira ang unang nakilala ni Ales ng pumunta ito sa Pilipinas at itinuturing niya na kaisa-isang miyembro ng kanyang pamilya.

Kaya naman gusto talaga ni Ales na maging best woman niya si Shaira dahil sa kanilang naging relasyon.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular