HomeCelebritiesSoc Villegas, ikinumpara kay 'Padre Damaso': "He has no moral authority to...

Soc Villegas, ikinumpara kay ‘Padre Damaso’: “He has no moral authority to criticize the government.”

Nag-viral sa social media ang talumpati ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas nitong Ninoy Aquino Day kung saan ay binatikos nito ang kanilang mga kalaban sa politika.

Sa nasabing homily ay nagpatama ito kay Pangulong Bongbong Marcos at sa iba pang diumano’y sinisira ang pangalan ng mga Aquino.

READ MORE: Soc Villegas, may patama: You can win an election, but only truth tellers can go to heaven

Pinuna naman sa komentaryo ng Concept News Central nitong Agosto 28 si Villegas at ikinumpara siya kay ‘Padre Damaso’ na karakter sa sikat na nobelang Noli Me Tangere ni Jose Rizal.

Si Damaso ay isang prayle na hindi nagdadalawang isip na gamitin ang kanyang kapangyarihan upang maging magmataas sa kapwa.

Sa nasabing komentaryo ay tila pinapalabas ni Villegas na dapat ang mga Marcos ang sisihin sa nangyari kay Aquino.

Ngunit ayon sa kanila ay wala paring ebidensya na makakapagpatunay na si Marcos nga talaga ang nasa likod ng nangyari sa dating senador.

villegas bbm

Hindi rin daw nababagay kay Villegas na isang pari na magsalita ng masasamang bagay laban sa kapwa niya.

“The remarks made by Villegas are inappropriate for a man of the cloth. He engaged in accusatory insinuations, and he was preaching a homily of hatred and division among the Filipino people.” sabi sa komentaryo.

“It looks like Padre Damaso and his gang have not recovered from their disappointment that their anointed candidate for president, the incompetent, pretentious and church-subservient Leni Robredo, lost miserably in the May 2022 elections.” dagdag pa nila.

Wala rin diumanong karapatan na mambatikos si Villegas sa gobyerno dahil hindi naman sila nagbabayad ng buwis.

Imbis na batikusin ang gobyerno ay mas mainam daw kay Villegas na tigilan na ang kanyang ginagawa at ipakalat na lamang ang salita ng Panginoon.

SOURCE

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular