HomeCelebritiesSen. Dela Rosa, ikinuwento ang karanasan niya sa PS-DBM: "Nag-insist sila na...

Sen. Dela Rosa, ikinuwento ang karanasan niya sa PS-DBM: “Nag-insist sila na Mahindra ang bilhin at hindi Toyota”

Ikinuwento ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa na mismong siya ay mayroong karanasan sa kontrobersyal na Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM).

Sa gitna ng imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee sa mga diumano’y overpriced na laptop para sa Department of Education (DepEd) ay ikinuwento ni Dela Rosa na noong pinuno pa siya ng Philippine National Police (PNP) ay nakipagtalo narin siya noon sa PS-DBM.

Ayon kasi sa kanya ay sinusubukan siyang kumbinsihin ng PS-DBM na ang kanilang bilhin na lamang para sa mga kapulisan ay ang kontrobersyal na Mahindra.

Matatandaan na naging kontrobersyal na noon ang mga Mahindra na binili para sa mga kapulisan dahil sa umabot diumano ang bawat isa nito sa halagang P1.9-M.

Kwento ni Dela Rosa ay hindi siya pumayag sa hiling ng PS-DBM noon sa kanya dahil sa nakasalalay ang buhay ng mga pulis sa kanilang mga sasakyan.

“Pag-upo ko as Chief PNP.. Nu’ng nag-insist sila [PS-DBM] sa akin na Mahindra ang bibilhin na sasakyan at hindi ‘yung 4×4 na Toyota na gusto ko na malakas,” kwento ni Dela Rosa.

“Sabi ko, ‘Alam mo, kahit magsuntukan tayo dito araw-gabi, dalawang araw, hindi talaga ako mag gi-give in sa Mahindra na ini-insist ninyo’… Because I am the end-user. Ako ang mananagot sa mga tauhan ko sa field pag sila’y namatay sa engkwentro sa NPA dahil ang sasakyan nila ay mahina.” dagdag pa niya.

Sana’y ganito rin ang ginawa noon ng mga taga DepEd noong nagkakaroon sila ng transaksyon sa mga laptop.

Ayon sa nasabing deal ay umabot sa P58,300 kada unit ang laptop na ibinahagi sa mga guro ng DepEd.

Ngunit kung titignan ang specification ng mga laptop ay maituturing na itong ‘outdated’.

“Bakit kayo pumayag na taasan ng PS-DBM ang presyo? Very clear ito sa records na pumayag kayo, from P35,000 ginawang P58,000,” tanong ni Dela Rosa.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular