HomeCelebritiesKris Aquino, tuloy parin diumano ang online shopping kahit na nakaratay na...

Kris Aquino, tuloy parin diumano ang online shopping kahit na nakaratay na ito sa ospital

Ibinahagi programa ni Cristy Fermin na ‘Showbiz Now Na’ na hindi parin tumitigil sa kanyang libangan ang television host na si Kris Aquino kahit na ito ay nasa ospital na.

Sa kanyang programa, sinabi g isa sa mga host na si Morly Alinio na nakakapag-shopping parin si Kris sa pamamagitan ng mga online shop kahit na ito ay nakaratay na sa ospital dahil sa kanyang kakaibang karamdaman.

“Nasa ospital na’t lahat si Kris, pero hanggang ngayon hindi pa rin matigil-tigil ‘yung iba’t ibang kwento tungkol sa kanya. ‘Yung latest i-correct niyo ako kung ako ay nagkakamali pero ito po yung nakarating lang na balita sa amin. Hanggang ngayon daw po kahit nakaratay na sa hospital si Kris Aquino hindi pa rin daw po natitigil ang habit nito kao-order ng mga items online,” ani Alinio.

Nagbigay naman ng tugon si Fermin at sinabi na alam naman ng mga netizens na talagang libangan na ni Kris ang mamili ng mga gamit.

kris aquino 3

“Alam mo dahil siya si Kris Aquino, pinagpipistahan siya. Ikalawa, dahil sikat na sikat siya, talagang hindi siya patitigilin ng mga ganitong kwento. At ikatlo, alam naman kasi ng buong mundo na si Kris Aquino ay mahilig talaga sa mga kagamitan na branded,” sabi ng batikang kolumnista.

Hiling naman ng isa pang host sa programa na si Wendell Alvarez ay sana’y huwag munang payagan ng mga doktor si Kris na gumamit ng gadgets.

“Wala bang batas sa ospital na ‘yun na bawal muna siyang mag-cellphone.’Wag muna siya ‘di ba? paano siya gagaling kung naka-concentrate siya sa cellphone niya? sabi ng host.

Matatandaan na nanggaling kay Ballsy Aquino-Cruz na kapatid ni Kris ang isa sa mga bagong update tungkol sa tv host.

Ayon sa kanya ay tila lalo pang lumala ang karamdaman ni Kris matapos malaman ng mga doktor na may apat na pala itong autoimmune disorder.

Ang nasabing karamdaman ni Kris ay pambihira at halos lahat ng gamot ay hindi kayang tanggapin ng kanyang katawan.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular