HomeCelebritiesDating Sen. Manny Pacquiao, nakatanggap ng 'Master's Degree' in Public Administration

Dating Sen. Manny Pacquiao, nakatanggap ng ‘Master’s Degree’ in Public Administration

Inulan ng pagbati si dating Sen. Manny Pacquiao mula sa kanyang mga fans matapos itong makatanggap ng Master’s Degree in Public Administration nitong Agosto 27.

Nakuha ito ni Pacquiao sa Philippine Christian University (PCU).

Kasama rin ng pambansang kamao ang 30 iba pang empleyado ng senado sa commencement exercise na ginanap sa Philippine International Convention Center sa Pasay City.

Makikita rin na kasama ni Pacquiao ang kanyang asawa na si Jinkee at ang kanyang kapatid na si Bobby Pacquiao.

Matatandaan na noong nakaraang halalan ay isa ang edukasyon ni Pacquiao sa mga ibinato sa kanya ng kanyang mga kritiko.

Ayon kasi sa kanila ay hindi malaman kung gaano kabilis nakuha ng dating senador ang kanyang diploma para sa political science majoring in local government administration sa University of Makati.

Sinagot naman ito ng senador at sinabi na dumaan siya sa tamang proseso upang makuha ang nasabing diploma.

Matatandaan na nitong nakaraang taon ay ibinalita ni Pacquiao na kumukuha siya ng Master’s.

“Never stop learning because life never stops teaching,” ani Pacquiao.

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang senador kung nagbabalak ba siya na pumasok muli sa public service sa 2025.

Inaabangan naman ng mga netizens ang mga exhibition match na gagawin nito ngayong siya ay retirado na sa boxing.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular