HomeCelebritiesBeteranong direktor na si Manny Castañeda, wala ng tiwala noon pa kay...

Beteranong direktor na si Manny Castañeda, wala ng tiwala noon pa kay Erwin Tulfo: “They are wolves in sheep’s clothing”

Ibinahagi ng beteranong direktor na si Manny Castañeda na noon pa lamang ay hindi na siya tiwala kay Department of Social Welfare (DSWD) Sec. Erwin Tulfo o ang mga kapatid nito.

Ito’y sa gitna ng kontrobesya na kinakaharap ngayon ni Tulfo matapos itong makipagkita kay dating Vice President Leni Robredo.

Ipinaalala ni Castañeda na nagkaroon ng isyu noon ang mga Tulfo dahil sa advertisement deal sa pagitan ng PTV4 at Department of Tourism na pinamumunuan noon ni Wanda Tulfo-Teo.

Ayon sa direktor ay dapat huwag masyadong magpaniwala ang mga publiko sa pagiging maka-masa ng mga Tulfo.

“I don’t trust Robredo in as much as I don’t trust the Tulfo siblings. Let us not forget the 60M advertisement scam, money received by the Tulfo brothers which they never bothered to return to the government after the deal has been considered anomalous.” ani Castañeda.

“Let’s not be deceived by their pro masa advocacies. To me, they are wolves in sheep’s clothing. Ganun din si Robredo.” dagdag pa niya.

Matatandaan na noong 2018 ay nabalot ng kontrobersya ang mga Tulfo dahil sa 120-M ad deal kung saan ay ipinalabas ang mga advertisement ng DOT na pinamumunuan noon ni Tulfo-Teo sa programa ni Ben Tulfo sa PTV-4.

Itinanggi naman ng mga Tulfo ang akusasyon at sinabi na hindi alam ng dating Sec. Teo na pagmamay-ari ng kanyang kapatid ang programang ‘Kilos Pronto’.

Ito rin ang sinabi ng nakatatandang kapatid ng mga Tulfo na si Mon, kung saan ay sinabi nito na wala talagang alam si Teo sa nangyayari.

“Ang kawawa dito si [former DOT Secretary] Wanda [Tulfo-Teo] because Wanda was clueless all along. Ben and Andanar manipulated the whole thing,” sabi ni Mon.

Nakita naman ng Office of the Ombudsman na walang nangyaring sabwatan sa pagitan ng mga Tulfo.

“Based on evidence, Bitag Media through the program Kilos Pronto complied with its contractual obligations even exceeding the airtime as agreed upon. In short, the government got its monies’ worth.” ayon sa resolusyon ng Ombudsman nitong 2021.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular