HomeSocial MediaShaira Mae Boyonas sa asawa ng kanyang 'bestfriend' na foreigner: "Isipin mo...

Shaira Mae Boyonas sa asawa ng kanyang ‘bestfriend’ na foreigner: “Isipin mo nag-suffer din ako”

Usap-usapan ngayon sa social media ang pahayag ni Shaira Mae Boyonas na matatandaang inuulan ngayon ng pambabatikos sa social media dahil sa diumano’y pang-aagaw nito ng eksena sa kasal ng kanyang bestfriend na foreigner.

Nag-viral sa social media ang reklamo ni Jorryme Vodisek dahil sa diumano’y pagiging sweet ni Boyonas sa asawa niyang foreigner na si Ales Vodisek.

Makikita sa ilang larawan na kuha sa kasal ni Jorryme ang ilang beses na pagdikit ni Boyonas kay Mr. Vodisek.

vodisek 1

Dinepensahan naman ni Boyones ang kanyang sarili at sinabi na hindi niya sinusubukang agawan ng eksena si Mrs. Vodisek.

Ayon sa kanya ay ang photographer ang mismong nag-utos sa kanya na dumikit sa foreigner.

“Ako bilang kaibigan, ginawa ko lang kung ano ang dapat gawin. Kagaya lang nung kasal nila. Yes, yong mga pictures sa sinasabin ninyong mas sweet pa kami ni Ales, yun kasi ang utos din sa aming ng photographer at ginawa lang din namin at wala ng iba pa,” kwento ni Boyones.

image 5
Mr. Vodisek kasama si Boyonas/FB

“Hindi niyo alam kung ano talaga ang totoong nangyari. Dapat makinig kayo at wag kayong manghusga ng tao. 

“Yes, nagsama na kami niyan ni Ales before pa niya makilala ang babae. At yang mga videos na ginawa niyong memes, magkakakilala na kami ni Ales niyan bago pa man niya makilala ang babae. Wag kayong gumawa ng ganyan kasi hindi yan totoo,” 

Nakiusap naman si Boyones sa mga netizens na sana’y pakinggan muna siya at huwag husgahan.

May mensahe din ito kay Mr. Vodisek at sinabi na parehas lamang silang naghihirap sa kasalukuyang isyu.

“Jorryme sana masaya ka ngayon na, napahiya niyo na kami. Wala kang matibay na ebindensya kung anong ginagawa namin ni Ales. Puro ka lang selos dapat sinabi mo na sa akin noon pa na hindi mo ko gusto,” 

“Alam ko, kasalanan ko din. Tao lang din ako, patawarin mo ako pero sobra ka na din. Dahil sayo nadamay ang anak ko. Siguro di ka makarelate kasi wala kang anak. 

“I know nag suffer ka ngayon, pero sana isipin mo rin na nag suffer din ako, social media kasi yan. At sa mga threats, alam niyo na kung ano man mangyari sa akin, alam at kilala niyo kung sino. Sana tumigil na kayo.”

Hindi pa nagsasalita ang foreigner tungkol sa isyu upang kumpirmahin kung may relasyon ba silang mas malalim ng kanyang bestfriend.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular