HomeCelebritiesRadio host, may paalala kay Erwin Tulfo: Leni never showed any damn...

Radio host, may paalala kay Erwin Tulfo: Leni never showed any damn respect for PBBM

Hindi ikinatuwa ng isang radio host ang nangyaring pulong sa pagitan ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Sec. Erwin Tulfo at dating vice president Leni Robredo.

Matatandaan na nagpulong ang dalawa dahil sa diumano’y gustong makipagtulungan ng NGO ni Robredo na Angat Buhay sa DSWD.

Ngunit pinaalalahanan ng radio host na si Mark Lopez si Tulfo kung sino ang sinusubukan niyang kausapin.

erwin tulfo 2 e1661580037378
Erwin Tulfo and Leni Robredo/FB

Pinaalala ni Lopez kay Tulfo tinawag na ‘kriminal’ ni Robredo ang boss niya na si Pangulong Bongbong Marcos Jr. noong halalan.

“She (Robredo) led a very acrimonious and antagonistic fight against him (PBBM).” ani Lopez.

“And she even boasted that the primary reason why she is running is to prevent a Marcos from getting back the presidency.
“After the election, she never conceded nor expressed magnanimity.

“She never showed any damn respect to her rival, even when it was very clear that he had the overwhelming mandate, and she has not.

“Tapos ngayon eepal sa DSWD, and magbibida?
BASTUSAN YAN…”

screencap 2022 08 27 at 1.59.15 PM
Naniniwala rin si Lopez na dapat ay hindi pagkatiwalaan ni Tulfo si Robredo.
Tingin naman ng radio host ay maaring nagpapabango sa oposisyon si Tulfo lalo na’t naging kontrobersyal ang pamimigay niya ng educational assistance noong nakaraang linggo.
Sa ngayon ay wala pang pahayag si Marcos tungkol sa pakikipagpulong ni Tulfo kay Robredo.
Matatandaan na bago maghalalan ay tumanggi na makipag-ayos si Robredo kay Marcos.
“‘Ano ‘yung mensaheng binibigay natin sa tao?… Na okay lang na convicted ka of a crime na hindi mo pa napapanagutan?'” tugon ni Robredo noon kung ayos lang ba sa kanya na makipagsanib pwersa kay Marcos.
Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular