HomeCelebritiesPebbles Cunanan, tinuruan si Judy Ann Santos na magluto: "Sayang naman yung...

Pebbles Cunanan, tinuruan si Judy Ann Santos na magluto: “Sayang naman yung tuition mo sa culinary!”

Tila wala pang balak tumigil ang dating MasterChef contestant na si Pebbles Cunanan sa pagbatikos sa kanyang dating judge sa programa na si Judy Ann Santos.

Matatandaan na nagreklamo si Judy Ann sa presyo ng puting sibuyas sa merkado na umabot na diumano ng P550.

READ: Judy Ann Santos, ‘naiyak’ sa presyo ng sibuyas: “Naiisip pa lang kita, naiiyak na ko sa presyo mo!”

Sa kanyang panibagong post, inalok na turuan ni Cunanan si Juday kung paano siya makakapagluto ng onion soup at onion rings gamit ang ibang klase na sibuyas at hindi lamang ang mamahalin ngayong white onion.

Muli nitong binanatan ang pagiging culinary graduate ni Juday at sinabi na nagsayang lamang ito ng tuition dahil sa hindi nito alam maghanap ng alternatibong sangkap.

“Sayang naman yung tuition mo sa culinary hindi mo ma-apply ng maayos yung pinag-aralan mo sa sobrang sama ng loob mo sa presyo ng sibuyas. MEMA lang talaga haisssst….paano naging judge ng Masterchef toh?” ani Cunanan.

“Tabehhh….hindi siya mabubuhay ng walang sibuyas…kaloka, wag masyadong masibuyas ghorl lumalabas sa pawis at kili-kili ang sibuyas,” dagdag pa niya.

Sa ngayon ay hindi parin naglalabas ng kanyang tugon si Judy Ann kay Cunanan na ilang beses na siyang binatikos sa social media.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular