HomeCelebritiesNabigla? Radio host sinabing hindi alam ni Tulfo na darating si Robredo...

Nabigla? Radio host sinabing hindi alam ni Tulfo na darating si Robredo sa kanyang opisina

Tumaas ang kilay ng mga tagasuporta ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa pagkikita sa pagitan ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) secretary Erwin Tulfo at dating vice president Leni Robredo.

Nitong Agosto 25 ay kumalat ang ilang larawan ng pagkikita ni Tulfo at Robredo kung saan ay pinagusapan diumano nila ang pakikipagtulungan ng Angat Buhay NGO sa DSWD.

Hindi naman ito nagustuhan ng mga sumusuporta kay Marcos na boss ni Tulfo dahil sa kilalang kritiko ng kasalukuyang pangulo si Robredo.

Ilan sa mga netizens ay ipinaalala pa kung gaano katindi ang mga pambabatikos na binitawan ni Robredo kay Marcos.

tulfo robredo 2 e1661610962155

Ngunit ayon sa radio host na si Mark Lopez ay kahit si Tulfo ay nabigla sa pagbisita ni Robredo sa kanyang opisina.

“So nagpunta, and dere derecho daw sa office ni Secretary, who was caught off guard and cornered.” sabi ni Lopez.

“And true to form, may bitbit na photographer si Robredo who shamelessly clicked away the moment na Secretary Tulfo appeared.” dagdag pa niya.

“Grabe, is she really this thick-faced and so brazen? As in walang appointment?”

screencap 2022 08 27 at 10.37.13 PM
Larawan mula kay Mark Lopez/FB

Samantala ay itinanggi naman ni Robredo ang mga kumakalat na impormasyon at sinabi na mayroong schedule sa pagitan nila at ni Tulfo.

“The OSEC staff got in touch with us and gave us a schedule. I went with Angat Buhay ED Raffy Magno. Not one photographer from us.” ani Robredo.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular