HomeSocial MediaKalansay na nakita ng mga otoridad, hindi diumano si Jovelyn ayon diumano...

Kalansay na nakita ng mga otoridad, hindi diumano si Jovelyn ayon diumano sa suspek

Ibinunyag ng pamilya Galleno ang isa sa mga pinakamalaking rebelasyon tungkol sa kaso ng pagkawala ng kanilang kamag-anak na si Jovelyn Galleno.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Jonalyn Galleno, kapatid ni Jovelyn na inamin diumano sa kanya ng suspek na si Leobert Dasmariñas na hindi ang nawawalang dalaga ang kalansay na nakita ng mga otoridad.

Ibinahagi ni Jonalyn ang impormasyon sa panayam sa kanya ni Raffy Tulfo at inamin din nila na hindi sila basta basta naniniwala sa pahayag ni Dasmariñas na pinsang buo ni Jovelyn.

Ayon kay Jonalyn ay dalawang beses pa nitong tinanong ng personal si Dasmariñas kung ang kalansay nga ba si Jovelyn ngunit pareho lamang ang sagot nito.

Natatakot din diumano para sa kanyang buhay ang suspek.

“Kinausap ko po siya [Leobert] one on one kaming dalawa… kinausap ko para mabigyan napo ang ate ko ng maayos na libing ko ‘sya nga yun ate ko kung ‘sya man talaga ‘yun, aminin mo [Leobert] sakin kung siya ‘yung kalansay na ‘yun. Dalawang beses kopo ‘sya tinanong at ang response po ‘nya po hindi.” kwento ni Jonalyn.

“Sabi ko aminin mo sakin kung ‘siya [Jovelyn] ba talaga ‘yung kalansay na natagpuan ‘doon indi po ‘yun yung response ‘nya saka takot na takot po ‘sya,” dagdag pa niya.

Kabaliktaran naman ito ng sinabi ni Dasmariñas sa panayam sa kanya ng Radyo Bandera kung saan ay inamin nito na si Jovelyn nga maari ang kalansay.

Dahil dito ay patuloy ang pagtataka ng pamilya Galleno kung bakit patuloy na inaako ni Dasmariñas na siya ang suspek sa pagkawala ni Jovelyn.

Matatandaan na ang suspek ang nagturo sa mga otoridad ng lokasyon upang mahanap ang mga gamit ni Jovelyn at tumambad din sa kanila ang isang kalansay.

Dahil dito ay pinaniwalaan ng ilang eksperto na si Jovelyn ito, ngunit kailangan parin itong makumpirma sa pamamagitan ng DNA test.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular