HomeCelebritiesDoktor, may mensahe kay Erwin Tulfo: "Ang tapang mong mang-alipusta ng pagkatao...

Doktor, may mensahe kay Erwin Tulfo: “Ang tapang mong mang-alipusta ng pagkatao ng mga guro!”

Hindi ikinatuwa ng isang doktor ang mga naging pahayag ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Sec. Erwin Tulfo laban sa mga guro.

Matatandaan na nitong Agosto 24, sinab i ni Tulfo na wala siyang balak na iasa sa mga guro ang pamimigay ng financial assistance dahil sa maaring paburan ng mga ito ang kanilang mga kamag-anak.

“Baka maulit na naman na may pinaburan si teacher dahil pinsan niya “*yung estudyante niya. Eh alam niyo naman po “yung mga teacher natin. Do’n lang nakatira sa paligid-ligid.” ani Tulfo.

“Baka na naman ma-accuse na naman ho ang mga teacher. Kawawa naman. Inuna
niya yung inaanak niya o yung pinsan niya, yung pamangkin niya.” dagdag niya pa.

Hindi ikinatuwa ni Dr. Ethel Pineda ang sinabing ito ni Tulfo.

“Really, Mr. Secretary? You are accusing teachers of misdeeds?  Ang husay mo mag-accuse agad. Nilibak mo pa. “Nakatira lang” saan? Social Welfare Secretary ka, ang tapang mong mang-alipusta ng pagkatao ng mga guro. Unacceptable behavior. Shame on you.” ani Pineda.

Umaasa naman si Tulfo na hindi palalampasin ni Department of Education (DepEd) at Vice President Sara Duterte ang mga sinabi ng kalihim.

“Wait for the Department of Education Secretary to take up the cugels on behalf of her teachers. I hope VP Sara will not let this calumny pass.  Ready ka na? You wouldn’t know what hit you.” sabi niya pa.

Samantala ay walang balak humingi ng paumanhin si Tulfo sa mga guro at sinabi na hindi lamang naintindihan ng publiko ang kanyang sinabi.

Nilinaw ng spokesperson ni Tulfo na si Romel Lopez na ang ibig sabihin talaga ng kalihim ay ayaw niyang mabigyan pa ng karagdagang trabaho ang mga teacher.

“He (Tulfo) doesn’t want to add more to our teachers’ workload. That statement does not entail any insinuation about the supposed favoritism in students,” sabi ni Lopez.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular