HomeSocial Media'Bestfriend' ni Ales Vodisek na si Shaira Boyonas, itinanggi na may mas...

‘Bestfriend’ ni Ales Vodisek na si Shaira Boyonas, itinanggi na may mas malalim silang relasyon ng foreigner

Sinagot ni Shaira Boyonas ang mga akusasyon na mayroon siyang mas malalim na relasyon sa bagong kasal na ‘bestfriend’ niya na si Ales Vodisek.

Matatandaan na nag-viral sa social media ang larawan ni Mr. Vodisek at asawa nitong si Jorryme Vodisek kasama si Boyonas.

Ito’y matapos gawing cover photo ni Jorryme ang nasabing larawan at ibahagi ang caption na “Naging GIRLBESTFRIEND din naman ako pero never po akong umastang ASAWA,”

“RAFFY TULFO NEXT CLIENT,” ani Jorryme sa kanyang caption.

Inireklamo rin ni Jorryme ang tila pag-astang bride ni Boyonas sa kasal ng kanyang bestfriend.

screencap 2022 08 27 at 3.21.19 PM

Dahil dito ay kinuyog ng mga netizens si Boyonas at nalaman nila na tila malapit na malapit nga ang foreigner sa kanyang bestfriend.

Makikita sa ilang video ang tila mga ‘sweet moments’ ni Boyonas kasama si Mr. Vodisek

Matapos pumutok ang isyu ay agad na naglabas ng pahayag si Boyonas at sinagot niya ang mga paratang ni Jorryme sa kanya.

Ayon kay Boyonas ay utos lamang diumano ng photographer na dumikit siya kay Vodisek at hindi niya kailanman plano na maging bida sa kasal.

Nanawagan din siya na sana’y huwag ng idamay pa ng mga netizens ang kanyang anak.

Sa ngayon ay wala pang pahayag mismo ang foreigner sa kung ano nga ba talaga ang relasyon nila ni Boyonas.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular