Monday, September 26, 2022
HomeCelebritiesBallsy Aquino-Cruz, sa pagkapanalo ni BBM: "Hindi pwedeng magtagumpay ang evil."

Ballsy Aquino-Cruz, sa pagkapanalo ni BBM: “Hindi pwedeng magtagumpay ang evil.”

Naniniwala si Ballsy Aquino-Cruz na darating din ang panahon na mananaig ang katotohanan.

Ito’y sa gitna ng mga diumano’y ginagawang kampanya ng ilang grupo upang siraan ang kanyang mga namayapang miyembro ng pamilya na sina dating senador Ninoy Aquino, at mga dating pangulong Cory at Noynoy Aquino.

Sa panayam sa kanya ng Banyuhay Aoteoroa, sinabi ni Aquino-Cruz na hindi hahayaan ng Panginoon na manaig ang kasamaan sa bansa at ang kailangan lamang nila ay maniwala.

Halata rin na hindi makapaniwala si Aquino-Cruz na napakadami ng bumoto kay pangulong Bongbong Marcos Jr. na ikinokonsiderang karibal ng kanilang pamilya.

“Hindi pwedeng magtagumpay ang evil. It will take time. God makes things happen in His time. We just have to have faith. Kita naman natin kung gaano ang kanilang kampanya, kung ano ang naging resulta.” ani Ballsy.

“Hindi pa rin ako makapaniwala na 31 million yung bumoto pero, ang dami nga nilang bala para sa mga ganitong bagay…Even if we cannot fight them.the truth will out.” dagdag niya pa.

Matatandaan na ipinapalabas ngayon ang pelikulang Maid in Malacañang kung saan ay tampok ang pamilya Aquino at pamilya Marcos.

Sa susunod na taon din ay magkakaroon muli ng pelikula tungkol naman kay dating senador Aquino.

Sa ngayon ay hindi pa nagbibigay ng tugon ang palasyo sa mga maanghang na banat sa kanila ni Aquino-Cruz.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular