HomeSocial MediaMga gamit ni Jovelyn Galleno, nahukay sa likod ng bahay ni Leobert...

Mga gamit ni Jovelyn Galleno, nahukay sa likod ng bahay ni Leobert Dasmarinas

Nakita ng mga otoridad ang mga iba pang gamit ni Jovelyn Galleno sa likod bahay ng isa sa mga suspek sa pagkalawa ng graduating student.

Mismong ang suspek na si Leobert Dasmariñas ang nagturo kung saan diumano niya itinapon ang mga alahas ni Jovelyn.

Nakita ang kwintas at bracelet na huling soot ni Jovelyn sa likod ng mismong bahay ni Dasmariñas.

Positibo naman na kinilala ng pamilya Galleno ang mga gamit na nakita sa likod ng bahay ni Dasmariñas.

Matatandaan na mismong ang suspek ang umamin na isa siya sa mga kumuha kay Jovelyn noong Agosto 5.

READ MORE: Suspek na pinsang buo ni Jovelyn Galleno, inamin na hinalay at wala ng buhay ang dalaga

Planado diumano nila ng isa pang suspek na si Jovert Valdestamon ang nangyari kay Jovelyn.

Hindi naman malaman kung haharap na ba ngayon sa kaso si Dasmariñas.

Sa ngayon ay hinihintay pa ng mga otoridad ang magiging resulta ng DNA result upang malaman kung ano na nga ba talaga ang nangyari sa dalaga.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular