HomeCelebritiesKris Aquino, nasa 38 kilos na lamang ngayon: "There was a time...

Kris Aquino, nasa 38 kilos na lamang ngayon: “There was a time she was about to give up”

Ibinahagi ni Ballsy Aquino kung ano na ang kasalukuyang kalagayan ng kanyang kapatid na si Kris Aquino ilang buwan matapos itong pumunta sa Amerika upang magpagamot.

Sa panayam sa kanya ng isang NGO nitong Agosto 20 ay sinabi ni Ballsy na mula sa dalawa ay apat na ngayon ang autoimmune disorder ng kanyang kapatid.

Halata rin daw na bumagsak na ang timbang nito dahil sa kanyang karamdaman.

Dahil dito ay hirap din na makaabante ang mga doktor sa paggagamot kay Kris dahil sa hinihintay pa nila na madagdagan ng timbang ang Queen of all Media.

kris aquino 3

“When she left, she had two autoimmune diseases. I think now there are four. She’s not even 90 pounds now, she’s like 85 or 86. For the other treatments that they want to try, she has to put on more weight. She has to get a little bit stronger.” sabi ni Ballsy.

Matatandaan na nasa 25% lamang ang pag-asa na makaligtas ni Kris kung hindi siya pupunta sa Amerika upang magpagamot.

Aabot naman sa 62% ang 5-year survival rate ni Kris kung dadaan siya sa gamutan.

Inamin naman ng mag doktor ni Kris na sobrang pambihira ng sakit ng tv host.

kris 1

Isa sa mga pagsubok na kinakaharap ni Kris at ng mga doktor ay ang pagiging allergic ng tv host sa lahat ng gamot.

“She has so many allergies that all the medicines they’ve been trying haven’t been working, or maybe they did but then the side effects—they were not too happy about,” aniya.

Ilang beses narin diumanong muntikan sumuko ang aktres ngunit iniisip niya na lamang ang kanyang mga aak.

“There was a time [when] she was really feeling that she was about to give up because she was having such a difficult time. But then, when she looks at the pictures of her sons or when she sees them, then she knows she still has to fight.” dagdag pa ni Ballsy.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular