HomeCelebritiesKapatid ni Jovelyn Galleno, hindi kinilala ang mga damit na ipinakita sa...

Kapatid ni Jovelyn Galleno, hindi kinilala ang mga damit na ipinakita sa kanya ng mga otoridad: Hindi yan kay ate!

Hindi kinilala ng kapatid ni Jovelyn Galleno na si Jonalyn ang mga ipinakitang pants at underwear sa kanya ng mga otoridad.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Jonalyn na hindi niya kinilala ang mga damit na na-recover ng mga otoridad sa lugar kung saan diumano inilibing ng mga suspek si Jovelyn.

Nagtataka rin diumano sila kung bakit hindi sila pinayagan ng mga otoridad na kunan ng larawan ang mga nasabing gamit na ipinakita sa kanila.

“Negative ang kasuotan na pinakita nyo saamin HINDI TOTOONG PANTS AT UNDERWEAR NI JOVELYN YON,” sabi ni Jonalyn.

“At bakit hindi allow na kunan ng larawan ang kasuotan nya at bakit hindi nilabas sa media?” dagdag pa niya.

Ibinahagi ni Puerto Princesa Councilor Elgin Damasco ang nasabing post ni Jonalyn.

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang Puerto Princesa PNP sa pahayag ni Jonalyn.

Matatandaan na noong Agosto 23 ay inanunsyo ng mga otoridad na nakita na nila ang posibleng katawan ni Jovelyn kasama ang ilang mga kagamitan nito.

Tinuro ng suspek na si Leobert Dasmariñas ang lokasyon ng  nasabing lugar kung saan tumambad sa kanila ang isang kalansay at ilang gamit diumano ni Jovelyn.

Ang ilan sa mga kagamitan ay kinilala naman ng pamilya Galleno.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular