HomeCelebritiesInfluencer na si Norme Garcia, maaring mawalan ng lisensya dahil sa kanyang...

Influencer na si Norme Garcia, maaring mawalan ng lisensya dahil sa kanyang ‘Ligo Challenge’

Posibleng mawalan ng lisensya sa pagmamaneho ang influencer at motovlogger na si Norme Garcia dahil sa kanyang pausong ‘Ligo Challenge’.

Sa ngayo’y deleted na video, makikita si Garcia habang nagmamaneho ng kanyang motor habang pinapaliguan naman ng kanyang kasamahan.

Makikita na walang protective gear na soot si Garcia sa nasabing video na napanood ng libo libo niyang followers sa social media.

300457705 496940652450833 4236385727275551928 n
Larawan mula kay Norme Garcia/FB

Binatikos naman siya ng mga netizens at kapwa niya motovlogger dahil sa kanyang iresponsableng ipinakita sa social media.

Umabot naman kagad ang balita sa Land Transportation Office (LTO) XI, Highway Patrol Group XI at Tagum City LGU.

ligo challenge.webp

Sa ilang larawan sa social media ay makikita ang pagpunta ng mga otoridad kay Garcia kung saan ay ipinaalam nila na haharap ito sa kasong reckless driving at distracted driving na mayroong parusang multa at pagkansela ng lisensya.

lto noreen.webp

Humingi naman ng paumanhin gamit ang kanyang social media page si Garcia.

Sabi pa nito ay may personal siyang problema ngunit sinusubukan niya parin na magpasaya ng mga fans at isa ang ‘ligo challenge’ sa kanyang mga naisip.

“May mga pagkakataon talaga na magkakamali tayo pero sa bawat pagkakamali natin may lesson, may purpose lahat ang mga nangyayari.” sabi ng influencer.

“Kahit may personal problem akong pinag dadaanan ngayon hindi ko parin kakalimutan na magpasaya.” dagdag niya pa.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular