HomeSocial MediaDriver ng SUV na bumangga sa isang security guard, nakalaya matapos makipag-areglo

Driver ng SUV na bumangga sa isang security guard, nakalaya matapos makipag-areglo

Natunton kagad ng mga otoridad ang driver ng SUV na matatandaang bumangga sa isang 52-anyos na security guard sa Dasmariñas City nitong Agosto 24.

Ang nasabing insidente ay nag-viral matapos makunan ng iba’t ibang footage ang nasabing insidente.

Nakilala ang biktima na si Roldofo Mejos na security guard ng isang gold club.

Nasawi naman si Mejos habang isinusugod ito sa Dasmariñas City Medical Center.

Agad naman nahuli ang suspek na sa ngayon ay hindi parin pinapangalanan.

Ayon naman kay P/LTCOL. Juan Oruga, hepe ng Dasmariñas City Police ay nakalaya na ang suspek matapos pumayag ang pamilya Mejos na makipag-areglo na lamang.

“Nagkaroon po sila ng amicable settlement kaya naman po release na namin ‘yung tao,” sabi ni Oruga.

Wala namang magagawa ang mga pulisya kung gusto talaga ng pamilya Mejos na makipag-areglo.

Sinabi naman ng suspek na hindi niya nakita ang biktima dahil narin sa bilis ng kanyang pagpapatakbo.

Sa ngayon ay magdadagdag na ng mga karagdagang traffic sign sa pinangyarihan ng insidente upang hindi na maulit pa ang nangyari.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular