HomeSocial MediaBabae sa Biliran, nag-public apology matapos mag-imbento na kinuha siya ng 'puting...

Babae sa Biliran, nag-public apology matapos mag-imbento na kinuha siya ng ‘puting van’

Nagbigay ng public apology ang isang babae matapos nitong sabihin sa isang viral na video na halos madukot na siya ng isang puting van.

Sa nasabing video na ibinahagi ng page na Biliran Island ay makikita at maririnig ang testimonya ng babae tungkol sa diumano’y hindi niya magandang karanasan.

Umabot sa milyong views ang nasabing video at nagkaroon ng takot ang mga residente ng Biliran matapos ang rebelasyon ng babae.

Ngunit napag-alaman na hindi pala totoo ang kinukwento ng babae.

Ibinahagi ni Naval, Biliran Mayor Gretchen Espina na nalaman nila sa kanilang imbestigasyon na imbento lamang ng babae ang istorya upang makakuha ng atensyon.

“Let is serve as a warning. We will not tolerate false claims that disturb the peace and order of our town,” sabi ni Mayor Espina.

image 4

Ibinahagi din ni Mayor Espina ang video ng public apology ng babae.

“Gusto ko lamang pong humingi ng tawad sa mga taong naabala ko,” aniya.

Humingi rin siya ng tawad sa kanyang mga kaibigan at kamag-anak na sobrang nag-alala sa kanya at napaniwala sa kanyang istorya.

Ayon sa kanya ay gusto niya lamang mapansin siya ng isang tao na lumayo sa kanya.

“Hindi po totoo na may kumakalat na van, sorry po sa lahat. Nagawa ko po ‘yun dahil may problema po ako non that time at naisip ko po ‘yon dahil nag-seek lang po ako ng attention ng isang tao na gusto kong bumalik sakin,” aniya.

“Hindi po lovelife ‘yon pero malapit siya sa puso ko. Gusto ko po siyang bumalik sakin,” dagdag niya pa.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular