HomeCelebritiesRep. Rodante Marcoleta, sinagot si Ogie Diaz: "Hindi ako nagagalit, naawa ako...

Rep. Rodante Marcoleta, sinagot si Ogie Diaz: “Hindi ako nagagalit, naawa ako sa kanila”

Naaawa si SAGIP party-list Rep. Rodante Marcoleta sa talent manager na si Ogie Diaz na matatandaang binatikos siya dahil sa tila hindi nito pagtigil sa pag-iimbestiga sa ABS-CBN.

Nitong Agosto 16 ay matatandaang isa si Ogie sa mga nagbigay ng reaksyon ukol sa panawagan ni Marcoleta sa gobyerno na tignan ang partnership deal sa pagitan ng ABS-CBN at TV5.

“Juice ko po, sir. Sumunod naman, pero ayaw nyong tanggapin. Ngayong
bumili ng shares, me kuda pa din kayo. Sa panahon ngayon, kailangan ng pera ng gobyerno. Ikaw ba sa-sagip ng bansa, ng mawawalan ng trabaho? O ikamamatay mo pag nangyari yung ayaw mo? Move on kana po.” ani Ogie.

screencap 2022 08 25 at 10.19.49 AM

Sa panayam sa kanya ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna ay itinanggi niya na nasa kongreso lamang siya para sa ABS-CBN at gusto niya lamang na ipatupad ang batas.

Hindi rin naman daw siya nagagalit kay Ogie kundi naawa.

“Hindi ako nagagalit, naawa ako sa mga kababayan nating ganon… Ang iniisip nila is ‘yung pangsarili nilang kapakanan, hindi nila iniisip na ‘yung taong ipinipilit ang pagsunod sa batas na sana ay tulungan nila, samahan nila, sila pa ‘yung [kumokontra],” ani Marcoleta.

“Hindi ko alam kung may sapat na isip ba sila para unawain ‘yung inilalaban ko kaya ako naaawa sa kanila,” dagdag niya pa.

Samantala ay ipinaliwanag ni Marcoleta na nakalagay sa batas na ang isang franchise holder ay kailangan munang magpaalam sa kongreso bago sila makipag-merge sa isang kumpanya.

Naniniwala rin ang mambabatas na hindi na lamang ang ABS-CBN ang haharap sa isyu kundi ang TV5 narin.

Sa ngayon ay wala pang pahayag si Ogie sa sinabi sa kanya ni Marcoleta.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular