HomeSocial Media'Mastermind' sa paghalay at pagtapos sa buhay ni Jovelyn Galleno, pwede ng...

‘Mastermind’ sa paghalay at pagtapos sa buhay ni Jovelyn Galleno, pwede ng lumabas ng ospital at hindi huhulihin dahil walang warrant

Maari ng makalabas ng ospital ang ‘mastermind’ diumano sa panghahalay at pagtapos sa buhay ng graduating student na si Jovelyn Galleno.

Kinumpirma ng Puerto Princesa PNP na maituturing na malayang tao si Jovert Valdestamon kahit na itinuro siya na mastermind ng isa sa mga suspek na si Leobert Dasmariñas.

Matatandaan na nasa ospital si Valdestamon dahil sa nagkaroon sila ng matinding away at atakihin ni Dasmariñas na ngayon ay hawak ng PNP.

Ayon kay PCapt. Victoria Iquin na spokesperson ng Puerto Princesa PNP ay hindi nila mahuhuli si Valdestamon lalo na’t wala namang warrant na inilabas laban sa kanya.

Magagawa parin ni Valdestamon na pumunta sa kung saan niya gusto lalo na’t parte ito ng kanyang karapatan bilang isang malayang tao.

Sa ngayon ay si Dasmariñas lamang ang mahahawakan ng mga otoridad dahil sa kaso niyang kinakaharap dahil sa ginawa niya kay Valdestamon.

Ngunit hindi parin nila makakasuhan si Dasmariñas kahit na umamin na isa siya sa mga gumawa ng masama kay Galleno dahil wala pa silang hawak na ebidensya.

Samantala ay kung hindi man diumano si Jovelyn ang kalansay na nakita sa itinurong lokasyon ng isa sa mga suspek ay makakasuhan parin sila.

Sa ngayon ay hinihintay parin ng mga otoridad ang magiging resulta ng DNA upang malaman kung si Jovelyn nga ba ang nakitang kalansay.

 

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular