HomeSocial MediaKapatid ni Leobert Dasmarinas, naniniwala na inosente ito: "Nandito lang kami kahit...

Kapatid ni Leobert Dasmarinas, naniniwala na inosente ito: “Nandito lang kami kahit na mapahiya kami”

Naniniwala ang pamilya ni Leobert Dasmariñas na matagal ng nagbago ang kanilang kapatid.

Ito’y sa kabila ng pag-amin ni Leobert na isa siya sa mga tumulong upang dukutin ang dalaga na si Jovelyn Galleno nitong Agosto 5.

Sa panayam sa kanya ng Super Radyo Palawan, sinabi ng kapatid ni Leobert na handa nilang ipagtanggol ang suspek kahit na mapahiya pa sila sa kanilang komunidad.

“Hindi nila dapat tignan ‘yung nakaraan mo, lahat ng tao ay puwedeng magbago… Dahil nakita nila ‘yung nakaraan mo, ikaw nalang ‘yung pinagbintangan,” sabi ng kapatid suspek.

“Kahit anong mangyari andito kami, kahit mapahiya tayo. Grabe na ‘yung pambabatikos nila samin dito pero ayos lang ‘tol, dahil mas naniniwala kami na hindi mo kayang gawin ‘yan,” dagdag niya pa.

Ayon sa kanya ay siya na mismo ang naging saksi kung paano sila inalagaan ng kanilang ‘Kuya Leobert’ kaya’t hindi nila maisip kung paano ito manghahalay ng babae.

“Kami na mismo ang nakakita kung paano kami inalagaan ni kuya, hindi niya kayang gawin ‘yan,” aniya.

Nagtataka sila dahil sa ang kaso lamang ni Leobert ay ang pananaksak niya sa pinsan niya na si Jovert Valdestamon ngunit ngayon ay kasama na ang kapatid nila sa nangyari kay Jovelyn.

Ayon sa kanila ay posible na sanang magkaroon ng aregluhan sa pagitan ni Leobert at Jovert ngunit ngayon ay namomoblema na sila dahil sa isinasangkot ang kapatid nila sa mas mabigat na kaso.

Ang lalo pa nilang ipinagtataka ay hindi sila pinapalapit ng mga pulis kay Leobert upang makausap lamang nila at madamayan.

Sa ngayon ay hihintayin nila ang DNA upang malaman kung inosente nga ba ang kanilang kapatid.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular