HomeCelebritiesForensic Pathologist Dr. Raquel Fortun, sinabing "posible" na maging kalansay ang bangkay...

Forensic Pathologist Dr. Raquel Fortun, sinabing “posible” na maging kalansay ang bangkay sa loob ng 2 Linggo

Nagbigay na rin ng kanyang pananaw ang isa sa dalawang forensic pathologist sa bansa na si Dr. Raquel Fortun tungkol sa kung posible nga ba na si Jovelyn Galleno ang kalansay na nakita sa Barangay Sta. Lourdes sa Puerto Princesa, Palawan.

Sa panayam sa kanya ng Super Radyo, sinabi ni Fortun na posibleng maging kalansay ang isang katawan kung pagsasama-samahin ang ilang kondisyon katulad ng lagay ng panahon at kung may mga hayop ba sa paligid ng lugar.

“Possible yan, possible pero it depends on a lot of factors primarily yung environment…Kung ang katawan ay nasa ibabaw lang ng lupa, kasi exposed aside from being exposed sa araw at ulan nandyan nga yung mga hayop at pupwede nga nila ikalat,” ani Fortun.

jovelyn galleno multicab

Maari rin diumanong hindi maamoy ang katawan ni Galleno lalo na kung iba naman talaga ang direksyon ng ihip hangin.

Pinuna rin ni Fortun ang paglabas ng mga larawan kung saan nakita ang diumano’y katawan ni Galleno.

“In fact, malaking tanong din dito paano kayo napayagang kumuha ng pictures kasi yung pictures mo ay for documentation. So, basically in the crime scene investigation professionals hindi yun lumalabas. Tapos yung pictures yung mga ebidensya saka yung mga buto, apparently ay nasa ibabaw na ng parang plastic bags. So naka lay out na yan hindi yan yung original na position-location nila. Medyo malabo yung part na yun. Or is that for documentation or for display?” sabi pa ng eksperto.

Si Fortun ang kauna-unahang babaeng forensic pathologist sa bansa at kasalukuyan na Chairperson ng Department of Pathology ng University of the Philippines Manila.

Sa ngayon ay hinihintay pa ng mga otoridad ang magiging resulta ng DNA test na maituturing na isang mahirap at matagal na proseso.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular