HomeCelebritiesDepEd, aaksyunan ang guro na pinagmalupitan ang estudyante sa unang araw ng...

DepEd, aaksyunan ang guro na pinagmalupitan ang estudyante sa unang araw ng klase

Nangako ang Department of Education (DepEd) na aaksyunan nila ang ilang kaso ng diumano’y pagmamalupit ng mga guro sa kanilang estudyante sa unang araw ng klase.

Matatandaan na nag-viral sa social media ang post ni Jeannie Vargas kung saan ay ibinahagi niya ang kwento ng kanyang pamangkin na Grade 5 student na ayaw ng pumasok dahil sa mga masasamang sinabi sa kanya ng kanyang guro.

READ MORE: Grade 5 student, dumadaan ngayon sa counseling dahil sa masamang trato ng guro niya sa unang araw ng klase

Ayon sa Spokesperson ng DepEd na si Michael Poa ay mayroong 72 oras para magpasa ang head ng eskwelahan ng incident report para maparusahan ang nasabing guro sa Camarines Norte.

Nakausap narin daw nila sila Vargas at nangako sila na hinding hindi nila palalagpasin ang ginawa ng guro.

teacher jeannie vargas.webp

“The teacher po will be subjected to administrative proceedings in accordance with our rules. The Department of Education takes these incidents very seriously,” ani Poa.

Maaring mawalan ng lisyensa ang guro sa pagtuturo kung sakali na mapatunayan na totoo ang ginawa niya sa estudyante niya.

“Of course kailangan natin tingnan muna yung explanation ng guro, pero definitely po, that’s definitely misconduct on the part of a teacher kung totoo yung nangyari.” sabi pa ni Poa.

“Well we’ll see ‘no, ayokong pangunahan po yung mga penalties na ipapataw kung sakaling makitang accountable po talaga yung guro, but obviously the worst-case scenario is dismissal.” dagdag niya pa.

Magbibigay din sila ng tulong sa bata upang bumalik ang tiwala nito sa mga guro at makapagpatuloy sa kanyang pag-aaral.

“Psychological first aid was immediately given to the learner, by trained personnel from the school health section. Psychosocial status of the learner will be monitored,” aniya.

Nanawagan naman si Poa sa mga netizens na maaring humingi ang mga magulang ng tulong sa Child Protection Unit ng Department of Education kung sakali man na may sumbong sila tungkol sa mga guro.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular