HomeCelebritiesSuspek na umamin na nasa likod ng pagkawala ni Jovelyn Galleno, hindi...

Suspek na umamin na nasa likod ng pagkawala ni Jovelyn Galleno, hindi pa kakasuhan ng PNP

Hindi pa kakasuhan ng mga otoridad ang suspek na si Leobert Dasmariñas kahit na inamin na nito na siya ang nasa likod ng panghahalay kay Jovelyn Galleno.

Ayon kay Capt. Victoria Carmen Iquin ng Puerto Princesa PNP ay wala pa silang pinaghahawakan na mabigat na ebidensya na makakapagpatunay na si Dasmariñas nga ang nasa likod ng nangyari kay Galleno.

Paliwanag nila ay hihintayin muna nila ang DNA examination results sa kalansay na kanilang nakita katabi ang mga gamit ni Galleno.

Matatandaan na sa ibang kaso nahuli si Dasmariñas na dahil sa away nila ng pinsan nitong si Jovert Valdestamon na itinuturo din na suspek sa nangyari kay Galleno.

Nitong Agosto 23 ay inamin ni Dasmariñas na pinagplanuhan nila ang ginawa nila kay Jovelyn dahil sa mayroong pagnanasa si Valdestamon sa dalaga.

Iginiit naman ni Dasmariñas na siya ay lookout lamang at hindi siya ang mismong gumalaw kay Galleno.

Siya rin ang nagturo sa lugar kung saan nakita ang mga gamit ni Jovelyn na katabi ng isang kalansay.

Binawi naman ng mga otoridad ang kanilang pahayag na ‘case-closed’ na ang kaso at hihintayin parin daw nila ang DNA test na magiging pinakamatibay na ebidensya upang malaman kung ang kalansay nga ba na nakita nila ay si Galleno.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular