HomeCelebritiesSoc Villegas, may patama: You can win an election, but only truth...

Soc Villegas, may patama: You can win an election, but only truth tellers can go to heaven

Naniniwala si Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na maari mang mang mapanalunan ng iilan ang eleksyon ay hindi naman sila basta basta makakapasok sa pintuan ang langit.

Ito ang pahayag ni Villegas sa commemorative mass niya para kay dating senador Ninoy Aquino nitong Agosto 22.

Ayon sa kanya ay darating din ang panahon na sisingilin ang mga nanira kay Aquino.

“There will be reckoning. You can win in an election, but only truth-tellers can win the gates of heaven,” ani Villegas.

“You can be rich by accepting bribes and not paying taxes, but only men and women of integrity have the credibility to lead by example. You can allow the trolls to top you in the surveys, but only humble, selfless leadership can inspire,” dagdag niya pa.

Naniniwala siya na darating din ang panahon na mananaig ang katotohanan kahit na baguhin pa nila ang kasaysayan.

“Maaari niyong baguhin ang sulat ng kasaysayan at maaari nating gawing bayani ang mga mandarambong. Subalit, walang lihim na hindi mabubunyag at hindi natutulog ang Diyos,” sabi ng arsobispo.

Hindi naman binanggit ni Villegas kung si Marcos ba ang pinapatamaan niya.

Matatandaan na malapit si Villegas sa mga Aquino at bago mag eleksyon ay nanawagan ito na sana ay maibalik na ang ‘disente’ na pamumuno sa bansa.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular