HomeCelebritiesRita Avila, itinanggi na kinuwestiyon niya ang karanasan ni Elizabeth Oropesa noon:...

Rita Avila, itinanggi na kinuwestiyon niya ang karanasan ni Elizabeth Oropesa noon: “Never ako nagsalita against Ms. Oro”

Itinanggi ng aktres na si Rita Avila na may sinabi siyang masama laban sa award-winning actress na si Elizabeth Oropesa.

Ito’y matapos kumalat ang ilang video sa social media kung saan diumano’y kinukwestyon ni Avila ang mga naging karanasan noon ni Oropesa noong panahon ni dating pangulong Ferdinand Marcos.

Matatandaan na ibinahagi noon ni Oropesa na hindi lamang ang mga anti-Marcos ang biktima noong panahon na ‘yon kundi ang mga sumusuporta rin sa dating pangulo.

READ MORE: Elizabeth Oropesa, ibinahagi sa unang pagkakataon ang pagdukot at pagpapahirap sa kanya noon dahil sa pagiging Marcos loyalist niya

Ayon kay Avila ay imbento lamang ang mga kumakalat na istorya kung saan ay tila pinag-aaway sila ni Oropesa.

Dahil dito ay mismong si Avila na ang nagpadala ng mensahe kay Oropesa para itanggi ang nasabing balita.

“It may appear na biktima ako pero in the end, ang mga biktima ay ang mga napaniwala ng mga exag na balita. Naging masama sila dahil dun eh.” sabi ng aktres.

“Happy ang mga naniwala dahil may nasirang tao. Happy din ako na alam ko ang totoo.” dagdag niya pa.

Iginiit naman ni Avila na hinding hindi niya magagawang pagsalitaan ng masama si Oropesa dahil mataas ang kanyang respeto dito.

“Never ako nagsalita against Ms. Oro. Magkaiba man kami ng paniniwala sa pulitika, respetado ko siya dahil maayos ang naging samahan namin sa showbusiness.” aniya.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular