HomeCelebritiesIsang doktor, sinabi na posibleng si Jovelyn Galleno nga ang kalansay na...

Isang doktor, sinabi na posibleng si Jovelyn Galleno nga ang kalansay na nakita ng mga otoridad

Kinontra ng isang doktor ang pahayag ng dalawang eksperto mula sa City Health Department ng Puerto Princesa kung saan ay sinabi nila na malayo sa katotohanan na si Jovelyn Galleno ang kalansay na nakita ng mga otoridad sa Barangay San Lourdes.

Matatandaan na parehong sinabi ni Dr. Euniece Herrera at Dr. Fi Atencio na hindi maaring si Jovelyn ang kalansay na nakita ng mga otoridad dahil nitong Agosto 5 lamang ito nawala at malabo na ganoon kabilis na nabulok ang katawan ng dalaga.

Ngunit naniniwala ang doktor na si Thirdy Acosta na posibleng si Jovelyn ang kalansay na nakita ang mabilis lamang ang naging decomposition ng katawan nito.

Tinawag niya ring iresponsable ang sinabi ni Dr. Herrera dahil sa tila mabilis nitong hinusgahan na hindi si Jovelyn ang kalansay ng wala man lang imbestigasyon.

“As a medico-legal officer myself, I call on these statements made RECKLESS AND IRRESPONSIBLE.” ani Acosta.

“First, premature declaration and sowing of doubt surrounding the circumstance of death is unethical and careless in your part. A true medico-legal officer refuses to make conclusion based on an incomplete set of information, even on photographic examination.

“There are multiple stages of a proper medico-legal examination. And based on your statement, you do not have the experience to be functioning as one. Performing autopsies does not garner you the title of a medico-legal officer, shedding light on an otherwise unknown incident is a medico-legal officer’s primary purpose: not doubt.

“Remember: If the law has made you a witness, remain a man (woman) of science. You have no victim to avenge, no guilty or innocent person to ruin or save. You must bear testimony within the limits of science” – PCH Brouardel. You would have known this is you really are one. While it is true that she had stated the decomposition process, she had failed to mention that this statement is true and supportive only of the average and NATURAL occurrence following the death.

Pinaliwanag ni Acosta na posible na sa loob lamang ng dalawang linggo ay maging kalansay si Jovelyn kung pagsasama samahin ang mga kondisyon na maaring mangyari sa kagubataan kung saan diumano itinapon ang dalaga.

Maaring magpabilis sa decomposition ang paiba-ibang panahon, moisture, mga hayop atbp.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular