HomeCelebritiesDirek Jay Altarejos, tinawag na 'basura' ang Katips at Maid in Malacañang:...

Direk Jay Altarejos, tinawag na ‘basura’ ang Katips at Maid in Malacañang: “Sino nagpalabas ng libre sa kanila?”

Tinawag na parehong ‘basura’ ni direktor Jay Altarejos ang nagbabanggaan ngayon na pelikula na “Maid in Malacañang” at “Katips”.

Ayon kay Altarejos ay pareho lamang na pinagkakakitaan ng dalawang pelikula ang mga manonood at malabong para sa bayan ang kanilang ginagawa.

Naniniwala siya na kung para sa bayan ang ginagawa ni MiM director Darryl Yap at Katips director Atty. Vince Tañada ay dapat ipinalabas nila ito ng libre para sa mga Pilipino.

“‘Katips’ and ‘Maid in Malacañang’ are in the same mold. Look at them. They are both vying kung sino mas malaki ang kinita. Itong isa nagsasabi na malaki ang kinita namin pero joke lang daw. So that’s disinformation. You are not helping to solve the problem. You are being part of the problem,” sabi ni Altarejos sa panayam sa kanya ng media.

“At kung totoong pelikula mo ay para sa bayan kahit na ito ay para sa ‘Katips’ o para sa ‘Maid’ dapat binigay niyo yan ng libre para sa mga tao. Kaya tayo ay namimigay ng libreng sine. Poser ‘yang dalawang ‘yan. Magkapareho lang sila. Wala silang pinagkaiba. Sino nagpalabas ng libre sa kanila? Nagyayabangan pa kung sino mas malaking kinita. Kapitalista pala kayo e. Hindi para sa bayan ‘yan,” dagdag niya pa.

Iginiit niya naman na hinding hindi siya manonood ng MiM at Katips dahil sa “basura” ito.

Binanatan din nito si Tañada na diumano’y ginagamit lamang ang mga ‘Kakampinks’ para kumita ang kanyang pelikula.

“Tigilan natin na mga Kakampinks paglaban sa mga Marcos kunyari yung ‘Katips’ tapos sasabihin ng direktor ‘ay hindi po ito anti-Marcos.’ Ano ka, gumagawa ka ng pelikula tungkol sa Martial Law hindi ka anti-Marcos? Ano ka, pro-Marcos?” aniya.

Binatikos din nito si Yap at sinabi na maraming masamang nangyari noong martial law at hindi ito matatakpan ng kahit anong kagandahan na nangyari noong panahon na ‘yon.

Samantala ay ipapalabas naman ng libre ni Altarejos ang kanyang mga pelikula na “Walang Kasarian ang Digmang Bayan”, “Ang Lalake sa Parole” at “Jino to Mari”.

Wala pang pahayag ang dalawang direktor sa sinabi ni Altarejos

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular