HomeSocial MediaABS CBN at TV5 itinigil muna ang kanilang partnership deal sa gitna...

ABS CBN at TV5 itinigil muna ang kanilang partnership deal sa gitna ng posibleng imbestigasyon ng kongreso

Pansamantalang ititigil ng dalawang higanteng television station na ABS-CBN at TV5 ang kanilang partnership deal.

Ito’y sa gitna ng posibleng imbestigasyon ng kongreso sa nasabing deal ng dalawang kumpanya.

Ayon sa kanila ay makakatulong ang postponement ng kanilang deal upang masagot ang mga isyu tungkol sa kanilang merger deal.

Matatandaan na sa nasabing deal ay nag-invest ang ABS-CBN sa TV5 sa pamamagitan ng pagbili ng 6,459,393 primary common shares na magbibigay sa Kapamilya network ng 34.99 percent na total voting at outstanding capital stock sa TV5.

Iginiit naman nila na hindi makakasama kundi makakatulong pa sa industriya ang pagsasanib pwersa ng dalawang network.

“Both ABS-CBN and TV5 believe that an agreement between the two media companies will have a favorable impact on Philippine media, and on free-to-air television—which remains the most affordable and extensive source of entertainment and public service to Filipinos,” sabi ng TV5 at ABS CBN sa kanilang pahayag.

FB IMG 1661323683895

Ngunit ayon kay SAGIP party-list Rep. Rodante Marcoleta ay may mabubuong monopolyo na maaring makasira sa kompetisyon sa media industry ang pagsasanib pwersa ng ABS-CBN at TV5.

Tila sinusubukan din daw ng ABS CBN na makapag-operate ng walang prangkisa at lusutan ang mga pananagutan nito.

“TV 5 malaki yan, pagkatapos ABS-CBN, mamomonopolize ang industry dito. Wala bang say dito ang Philippine Competition Commission? Hindi naman ganun, kaya nga tayo naglatag ng ganitong agency para tingnan ang lahat ng kapakanan ng mga apektadong sektor. Magiging monopoly ito kung tutuusin mo diba?” sabi ni Marcoleta.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular