HomeSocial MediaSuspek na pinsang buo ni Jovelyn Galleno, inamin na hinalay at wala...

Suspek na pinsang buo ni Jovelyn Galleno, inamin na hinalay at wala ng buhay ang dalaga

Tila matutuldukan na ang kaso ng graduating student na si Jovelyn Galleno, ngunit hindi maituturing na maganda ang naging katapusan nito.

Umamin ang pinsang buo ni Jovelyn na si Leobert Dasmariñas na isa siya sa mga dumukot, humalay at tumapos sa buhay ng dalaga na nawala noong Agosto 5.
Ayon sa kanila ay mayroon pa siyang kasama na pinagplanuhan ang gagawin kay Jovelyn.

Sa panayan sa kanya ng Radyo Bandera, sinabi ni Dasmariñas na inabangan talaga nila si Jovelyn na makababa sa multicab sa Barangay Sta. Lourdes.

Sinundan nila ang biktima at ng masigurado na walang nakakita sa kanila ay saka nila hinablot si Jovelyn at dinala sa isang masukal na lugar.

Iginiit naman ni Dasmariñas na look-out lamang siya at kasama niyang suspek ang gumawa ng kahalayan sa biktima.

Sa ngayon ay hindi pa malaman kung saan nila itinago ang katawan ni Jovelyn.

Itinuro ng suspek ang isang liblib na lugar sa nasabing barangay na pinaglagyan diumano nila ng katawan ni Jovelyn ngunit ang nakita nila doon ay kalansay.

Imposible naman diumano na si Jovelyn ang nasabing kalansay dahil aabot sa buwan o taon bago maging kalansay ang isang katawan.

Tingin tuloy ng ilang netizens ay fall-guy lamang ang suspek at pinilit lang itong umamin.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular