HomeSocial MediaMga gamit ni Jovelyn Galleno, nadiskubre katabi ang isang kalansay

Mga gamit ni Jovelyn Galleno, nadiskubre katabi ang isang kalansay

Imbis na mabawasan ay tila lalo pang nadagdagan ang katanungan ang kaso ni Jovelyn Galleno matapos ang bagong nadiskubre ng mga otoridad.

Kinumpirma ng Puerto Princesa PNP nitong Agosto 23 na nadiskubre nila sa Barangay Sto. Lourdes ang mga gamit ni Jovelyn, kasama ang ID na ginagamit nito sa trabaho.
Ang nakakapagtaka pa ay katabi ng isang kalansay ang mga gamit ng dalaga.

Itinuro ng isang suspek na kanilang nahuli ang kinaroroonan ng mga gamit ni Jovelyn.

Tila imposible naman daw na si Jovelyn ito dahil sa inaabot ng buwan o taon bago maging ganap na kalansay ang isang katawan.

Ito rin ang sinabi ng doktor na si Fi Atencio at medico legal officer ng Puerto Princesa na si Eunice Herrera.

Ngunit patuloy parin nilang iimbestigahan ang paligid ng lugar at ang kalansay upang makumpirma ang pagkakakilanlan nito.

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang pamilya Galleno tungkol dito.

Matatandaan na naiulat na nawala si Jovelyn nitong Agosto 5.

Simula noon ay tanging ang CCTV footage kung saan sumakay ito sa multicab ang huling ebidensya na buhay ito.

Ilang mga vlogger din ang nakisakay sa isyu at sinabi na posibleng buhay pa ang dalaga dahil sa ito ang ipinapakita ng hula nila.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular