HomeCelebritiesIsang guro, ibinagsak ang pasado niyang estudyante dahil sa hindi ito nakapagdala...

Isang guro, ibinagsak ang pasado niyang estudyante dahil sa hindi ito nakapagdala ng pintura

Isang guro ngayon sa isang paaralan sa Lapasan, Cagayan de Oro ang maaring maharap sa habambuhay na suspensyon sa pagtuturo dahil reklamo ng magulang ng isa sa kanyang mga estudyante.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Cindy Apaap ang kanyang pagkadismaya sa guro na binigyan na noon ng pasadong marka ang nasabing grade 5 student ngunit bigla itong ibinagsak dahil sa hindi diumano ito nakapagdala ng isang galong pintura.

Dahil dito ay hindi nakapasok bilang grade 6 ang nasabing estudyante at hindi rin nila makuha ang card mula sa guro.

cindy apaap.webp
Larawan mula kay Cindy Apaap/FB

“Tarung ba kaha ni nga maestra iyang gi buhat nga imbes naka pasar na ang bata tungod lang kay nag lagot siya sa mama kay wala nahatag ang isa ka gallon na pintal na project.” pagbabahagi ni Apaap sa social media.

(Tama bang ginawa ng gurong ito ang kanyang ginawa imbes na ipasa ang bata dahil lang sa galit sa ina sa hindi pagbibigay sa kanya ng isang galon ng pintura para sa proyekto.)

cindy appap 2
Larawan mula kay Cindy Apaap/FB

“Iyang gipang erase ang grado nga una niyang gi hatag sa bata. Ug gipang ilisan ug 70 tanan! Hugaw kaau ang card sa bata. Dugay pa gyud kaau gi hatag unya iya raman diay gi bagsak.. grabi nga maestra wala kaluoy sa bata ba.. unsaon kaha ni siya ba? Na enrolled na unta sa grade6 peru ang card iyang gi tago ug gi bagsak.” dagdag niya pa.

(Binura niya ang grade na ibinigay niya sa bata. At lahat ng 70 ay pinalitan! Marumi ang card ng bata. Matagal ko ng binigay yun tapos bumagsak lang siya.. walang awa yung teacher sa bata.. pano niya gagawin to? Grade 6 na sana siya pero itinago niya ang card at nawala.)

cindy apaap 3.webp
Larawan mula kay Cindy Apaap/FB

Hindi naman nila pinangalanan kung sino ang nasabing guro.

Sa ngayon ay hinihintay pa namin ang magiging tugon ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa ginawa ng guro sa kanyang estudyante.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular