HomeSocial MediaGrade 5 student, dumadaan ngayon sa counseling dahil sa masamang trato ng...

Grade 5 student, dumadaan ngayon sa counseling dahil sa masamang trato ng guro niya sa unang araw ng klase

Isang grade 5 student ang dumadaan ngayon sa counseling matapos maging kalunos-lunos ang unang araw ng kanyang klase sa kamay ng isang guro.

Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Jeannie Vargas ang sulat ng kanyang pamangkin na isang grade 5 student kung saan makikita ang mga diumano’y sinabi sa kanya ng kanyang guro.

Makikita sa nasabing sulat ang masasamang salita ng guro na hindi kaangkop-angkop na marinig ng isang 10-anyos na estudyante.

Ayon kay Vargas ay sana’y hindi na lamang magturo ang nasabing guro kung hindi na ito masaya sa pagiging guro ng mga bata.

“Pano mong nasasabi mga gantong bagay sa isang 10-year old sa pinakaunang araw ng pasukan nila? Kung hindi po masaya sa pagiging guro sa mga bata, hanap na lang po ng ibang career. Wag nyong idamay mga estudyante na sumusubok pa lang lumaban sa buhay.” ani Vargas.

“Hindi ako yung nakaexperience pero ramdam ko yung trauma ng pamangkin ko ngayon. Hindi man pisikal, pero pinakamasakit yung maririnig mo yung mga ganitong salita sa tao na dapat nga nagtuturo sayo ng tamang asal sa labas. Yung ineexpect mo na bilang magulang, paglabas ng bahay, yung teacher yung katuwang mo sana humubog ng bata sa labas, tapos ito yung maririnig nila?” dagdag niya pa.

Ayon pa sa netizen ay hindi deserve ng nasabing guro na humawak pa ng lisyensa dahil sa kanyang ginawa sa kanyang estudyante.

“Hindi nyo po deserve ang lisensya na dapat sa ibang tao na mas may malasakit sa mga bata.” sabi pa nito.

Hindi naman daw totoo ang sinabi ng guro dahil sa laging honor student ang kanyang pamangkin.

Dahil dito ay natatakot ng pumasok sa klase ang kanyang pamangkin.

screencap 2022 08 23 at 9.25.49 AM
Larawan mula kay Jeannie Vargas/FB

Sa isa pang Facebook post ay itinanggi niya na nagpapasikat siya at sinabi niya rin na hindi niya sinisiraan ang mga guro.

Naireport narin nila sa Department of Education (DepEd) ang nasabing insidente.

Sa ngayon ay dumadaan sa counseling ang kanyang pamangkin upang maalis sa isipan niya ang mapait na karanasan.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular