HomeCelebritiesDating MasterChef contestant, may palag muli kay Juday: "Ang dami mong reklamo!"

Dating MasterChef contestant, may palag muli kay Juday: “Ang dami mong reklamo!”

Binanatan muli ng dating MasterChef contestant na si Pebbles Cunanan ang dati niyang judge sa programa na si Judy Ann Santos matapos itong mag-post tungkol sa presyo ng sibuyas.

Sa kanyang Facebook post, tinanong ni Cunanan kung bakit naiiyak sa presyo ng sibuyas ang celebrity chef kung gumastos naman ito ng milyong piso sa kanyang culinary school.

“Tuition fee mo nga sa culinary school na pinag-aralan mo umabot ng isang milyon tapos 500 pesos iniyakan mo? Luhhhh,” banat ni Cunanan.

“Yung mga maliliit na tindera ng ulam dito sa amin di ko naman narinigan na naiiyak sila. PAPAMPAM KA NAMAN MASYADO.” dagdag niya pa.

“Tabehhh laki ng sweldo mo dami mong reklamo yung mga ordinaryong tao na maliliit lang ang sweldo wala kang maririnig.” aniya.

Nitong Lunes ay nag-post ng kanyang Instagram story si Juday kung saan ay ibinahagi niya na ang nabili niyang sibuyas ay nagkakahalaga na ngayon ng P550 per kilo.

Idinaan na lamang ng aktres sa biro ang pagkadismaya sa presyo ng bilihin ngayon at sinabi na nanamanamin niya na lamang ang pagkain ng sibuyas.

Matatandaan na binatikos din ni Cunanan noon si Juday ngunit hindi naman ito pinansin ng aktres.

READ MORE: Dating MasterChef contestant, pumalag kay Judy Ann Santos: “Palibhasa sa mamahaling culinary school nag-aral!”

Hindi naman malaman kung sa pagkakataon ba na ito ay mapapansin na ng aktres ang mensahe sa kanya ng dating contestant ng MasterChef.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular