HomeCelebritiesAndy Bautista ikinalungkot ang nangyayari sa Pinas: "Marami ay nawalan ng morale...

Andy Bautista ikinalungkot ang nangyayari sa Pinas: “Marami ay nawalan ng morale at moral”

Ikinalungkot ng dating Commission on Elections (COMELEC) chair na si Andy Bautista ang nangyayari diumanong demoralization sa Pilipinas.

Sa kanyang tweet, naniniwala si Bautista na dalawa lamang ang dahilan kung bakit ‘demoralized’ ang Pilipinas.

“Bakit “demoralized” ang Pinas? Dahil marami ay nawalan ng morale at moral…” ani Bautista.

Sumagot naman ang isang netizen na tila may patama din sa isyu na kinaharap noon ni Bautista bago siya umalis sa bansa.

“Kailan naman po kaya naging representative ng Pinas at sukatan ng moral at morale ang iilang mahilig sa latigo, mabilis tumakbo at mahusay magtago?” banat ni MJ Quiambao-Reyes.

Hinimok din nito si Bautista na umuwi na sa Pilipinas.

“Mang Andy, uwi ka na po. Para naman tumaas taas ang moral at morale ng mga kasamahan mo po. They need you. Badly.” sabi niya pa.

bautista 1
Larawan mula kay MJ Quiambao-Reyes

Matatandaan na noong 2017 ay mismong ang kampo ng dating asawa ni Bautista na si Patricia “Tisha” Cruz-Bautista ang nagkumpirma na mayroon silang nakitang ‘latigo’ sa mga gamit ng dating COMELEC chair.

“Curiously, she found a bullwhip or latigo. What it’s for, I don’t know. It was in a paper bag, in a plastic bag,” sabi ni Atty. Lorna Kapunan.

Mayroon din diumanong mga ginagamit na social media account si Bautista na ang profile picture ay isang batang babae at isang magandang babae.

Inakusahan din nila si Bautista na pamimigay ng property sa kanyang mga babae.

Mariin naman itong itinanggi ni Bautista na ngayon ay nasa ibang bansa at hanggang ngayon ay hindi malaman kung nasaan siya.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular