HomeCelebritiesSelos, posibleng nagtulak sa suspek na nasa likod ng pagkasawi ng tatlong...

Selos, posibleng nagtulak sa suspek na nasa likod ng pagkasawi ng tatlong tao sa loob sa Taguig

‘Love Triangle’ ang nakikitang dahilan ng Philippine National Police (PNP) sa pagkasawi ng tatlong indibidwal sa nangyaring pamamaril sa Taguig City nitong Agosto 21.

Nakilala ang mga biktima na sina Angelica Belina, 25; Mark Ian Desquitado, 35, at Tashane Joshua Branzuela, 22 na namamalagi sa isang transient hosue sa Barangay Fort Bonifacio sa Taguig.

Ayon sa pulisya ay nakita pa sa CCTV footage bago mangyari ang insidente na kasama ni Belina ang mismong suspek.

love triangle
Ang mga biktima

“Ito po ay kaso ng para pong love triangle ito… ‘yun po ang nakikita naming pangyayari dito,” sabi ng acting Taguig Police Acting Chief P/Col Robert Baesa.

Nakilala ang suspek na si Julian Paningbatan Jr. na pinaghahahanap narin ng mga kamag-anak ni Belina.

Dating kasintahan ni Belina ang suspek at maaring hindi nito matanggap ang nangyari sa kanilang relasyon na nauwi sa kanilang komprontasyon sa gate ng transient house.

Nakita rin mismo sa isang kumakalat na footage sa social media ang aktwal na ginawa diumano ni Paningbatan Jr. kay Belina.

Agad namang nakatakas ang suspek na ngayon ay pinaghahanap na ng mga otoridad.

Ayon sa ilang miyembro ng Philippine Navy ay miyembro nila ang suspek na ngayon ay AWOL na.

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang Navy na magkukumpirma kung miyembro ba talaga nila ang suspek.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular