HomeCelebritiesMga pinuno ng CPP/NPA na sina Benito at Wilma Tiamzon, 'neutralize' na...

Mga pinuno ng CPP/NPA na sina Benito at Wilma Tiamzon, ‘neutralize’ na ayon sa AFP

Posibleng nasawi sa enkwentro sa pagitan ng militar at mga armadong grupo ang mga pinuno ng CPP/NPA na sina Benito Tiamzon at Wilma Tiamzon.

Sa isang kumakalat na intelligence report ay matagumpay diumanong na ‘neutralize’ ng Joint Special Operations Task Force Trident and Intelligence Service ng AFP ang mag-asawa sa Catbalogan City nitong Agosto 2022.

Ayon sa report ay bigla na lamang sumabog ang sinasakyan na bangka na sinasakyan nila Tiamzon sakay ang iba pang mga armadong indibidwal.

image 3

Si Benito ay National Democratic Front consultant. Siya rin ay vice chairman, executive committee member, at political bureau member of the CPP-NPA-NDF.

Ang asawa niya namang si Wilma ay secretary general ng CPP, executive committee member, at political bureau member ng CPP-NPA-NDF, NDFP negotiating panel national consultant, at National Finance Commission secretary.

Matatandaan na noong 2014 ay hinuli sila at dinala sa Camp Crame, Quezon City.

Binigyan naman sila ng pagkakataon na makapagpiyansa bilang parte ng peace negotiations noong 2016 sa pagitan ng gobyerno at ng CPP-NPA-NDF.

Ngunit ng mabigo ang peace talks ay tumanggi na sumuko ang mag-asawa at mas pinili nila na magtago na lamang.

Sa ngayon ay nangangalap pa ng mga ebidensya ang AFP upang makumpirma na ang dalawang pinuno ng ng CPP-NPA ang kanilang naka-enkwentro.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular