HomeCelebritiesMga foreign partner Tim Connor, umatras sa pagtatayo ng negosyo sa Pilipinas...

Mga foreign partner Tim Connor, umatras sa pagtatayo ng negosyo sa Pilipinas dahil sa pagkakasangkot niya sa isyu ni Wilson at Consunji

Nagdesisyon ang mga banyagang business partner ni Tim Connor na hindi na sila magtatayo ng negosyo sa Pilipinas dahil sa kinakasangkutan na isyu ng negosyante dahil sa away ng mag-asawang sina Maggie Wilson at Victor Consunji.

Sa report ng Bilyonaryo, ibinahagi ni Tim Connor ang liham mula sa kanyang business partner kung saan ay sinasabi nila na umatras na ang grupo ng mga foreign investor na magbibigay sana ng trabaho sa libo libong Pilipino dahil sa isyu na kinakasangkutan niya.

Matatandaan na inakusahan ni Consunji si Connor ng pakikipagrelasyon kay Wilson.

tim maggie

Kung natuloy ang nasabing investment ay maari itong makapagbigay ng trabaho sa 7,000 hanggang 10,000 Pilipino.

“As we discussed earlier in the year, on your advice my group decided to start planning our relocation of back office services from to the Philippines after you and Maggie mentioned what a fantastic, exciting and developing market it was,” ayon sa email na ibinahagi ni Connor.

“It’s such a great shame that after seeing your and Maggie’s issues that you have recently faced that our board has decided to hold all future activities in the Philippines, including our employment of potentially 7k-10k Filipino team members and heavy investment in the country,” dagdag pa nila.

screencap 2022 08 22 at 7.59.50 AM

Matatandaan na itinanggi na ni Connor ang mga akusasyon laban sa kanya kahit na may ilang larawan sa social media na makikita ang malapit na relasyon nila ni Wilson.

Hindi naman daw titigil ang negosyante na maghanap ng mga gustong mamuhunan sa Pilipinas kahit na humaharap siya sa mga akusasyon.

“Despite the challenges we both have faced, I won’t let some pathetic legal accusations deter me from pushing what is such an exciting market to become what I feel could be a significant hub for business in Asia,” aniya.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular