HomeCelebritiesManunulat sa reklamo ni Judy Ann Santos sa presyo ng sibuyas: "Bakit...

Manunulat sa reklamo ni Judy Ann Santos sa presyo ng sibuyas: “Bakit iba ang presyo ng onion ng mga artista?”

Isang manunulat ang hindi napigilang mapatanong sa aktres at chef na si Judy Ann Santos matapos itong magreklamo sa presyo ng sibuyas sa merkado.

Matatandaan na nitong Agosto 22 ay nag-post ng Instagram story si Judy Ann kung saan ay idinaan niya na lamang sa biro ang pagkadismaya niya sa taas ng presyo ng sibuyas na umabot diumano sa P550 ang kilo.

“Sibuyas na puti!! Nakakaloka ka! Dati, kailangan ka munang hiwain bago maluha… ngayon, naiisip pa lang kita naiiyak na ako sa presyo mo!” sabi ni Santos sa kanyang Instagran story post.

“Pero dahil kailangan kita, kaysa mas kailangan mo ako, ha-hug kita at nanamnamin kita bago kita iluto… importanteng namnamin ka dahil 550 ka per kilo! Kalerks!” dagdag niya pa.

READ MORE: Judy Ann Santos, ‘naiyak’ sa presyo ng sibuyas: “Naiisip pa lang kita, naiiyak na ko sa presyo mo!”

Pero ayon sa manunulat na si Krizette Laureta Chu, may mga nakita naman siyang puting sibuyas na hindi naman umaabot sa 550 ang kilo.

Sa kanyang post ay ibinahagi ni Chu ang ilang larawan kung saan ay makikita na nasa 110 hanggang 295 pesos lamang ang kilo ng sibuyas sa ilang online shop ng mga kilalang grocery stores sa kamaynilaan.

“Iba Iba ba ang white onion? Bakit yung white onion ni Judy Ann Santos is 550 per kilo. Pero dito sa Shopwise at Rustans Marketplace thru the app Pickaroo eh 110 pesos at 295 pesos ang kilo? May gold ba ang white onion ni Judah at Cherry Pie Picache? Nakakaganda ba? Anong difference?” ani Chu.

“Paki explain pls sa akin bakit Iba ang presyo ng onion ng mga artista kasi gusto ko Ganon din ang onion ko,” dagdag niya pa.

Ilang netizens naman ang pabirong sinagot ang tanong ni Chu.

“Sa Salcedo weekend market yata namimili. Yung onion na Evian ang pinandidilig.” ani Jean Claude Mejia.

“Harvested from the Mountain of Himalayas, personal handpicked by the Tribe leader and comes with individual packaging ang mga sibuyas nina Cherie Pie and Juday. Ganurn!” komento ni Line Tatum.

Pero may ilan na sinubukan na ipagtanggol ang aktres.

“I think there are two kinds of white onions….one is for cooking like the violet onions and there is one called sweet onion na I think yun ang nilalagay sa sandwiches and salads kc nga sweet hehehe. I know the sweet onions are more expensive and it’s rare…not all supermarkets has a stock of sweet onions,” wika ni Clarita Incognito.

Matatandaan na binatikos na noon si Juday dahil sa diumano’y hindi nito kayang maghanap ng alternatibong sangkap para sa mga niluluto niya kahit na nakapagtapos siya sa culinary school.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular