HomeCelebritiesLolit Solis, naiisip na malapit na siya: "Make it a painless one...

Lolit Solis, naiisip na malapit na siya: “Make it a painless one at sana handa ako spirtually,”

Ibinahagi ng talent manager at kolumnista na si Lolit Solis ang kanyang naiisip ngayong siya ay mayroon ng karamdaman at dumadaan na sa dialysis.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Lolit na siya ay nalulungkot kapag naiisip niya ang kanyang kalagayan.

Tila dumadaan pa ngayon sa denial stage ang talent manager dahil hindi niya matanggap ang kanyang kasalukuyang kalagayan kahit na ipinapaliwanag na ito sa kanya ng mga doktor.

“Kahit ano nga explain ng doktor ko hindi ko matanggap kung ano sakit ko, kaya naniniwala na lang ako na isipin na binu budol ako, kahit pa nga lahat ng labtest sa akin talagang nakikita na maysakit ako.” ani Lolit.

“Kaya kadalasan naiinis ako pag dialysis session ko, dahil feeling ko hindi ko kailangan. Hindi mag sink in sa akin na maysakit ako. Basta nasa isip ko normal pakiramdam ko, maayos katawan ko. Talagang hindi ko maamin na meron akong sakit, gulat nga nakakarinig pag nalaman may dialysis session ako twice a week.” dagdag niya pa.

lolit dog

Ayon pa sa kanya ay kahit ang mga nakapaligid sa kanya ay tila alam na seryoso ang kalagayan niya na lalo pang nakakadagdag sa kanyang kalungkutan.

Minsan ay iniisip niya na lamang na mayroon na siyang mga kaibigan sa industriya na nauna ng pumanaw katulad nila Ricky Lo at Douglas Quijano na maaring salubungin siya.

Ang hiling niya naman ay sana’y hindi siya masaktan kung kunin na siya ng Panginoon.

“Walang biro, I feel sad, I feel no more motivation. Pero sana whatever, tulad ng prayers ko kay St Theresa , make it a painless one, at sana handa ako spiritually sa darating na kapalaran,” aniya.

Ngunit tila nakakatulong naman ang aktres na si Bea Alonzo kay Lolit dahil sa hindi parin ito tinatantanan ng batikos ng talent manager.

“Hay naku, talagang nakaka alis ilusyon ang nagaganap na discovery ngayon kay Bea Alonzo . Iyon mukha siyang matanda, maraming wrinkles, laylay mga bilbil, mukhang losyang na laos na star, at marami pa after iwanan siya ni Gerald Anderson para sa mas bata at magandang Julia Barretto.” sabi ni Lolit sa kanyang isa pang Instagram post.

 

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular