HomeCelebritiesKapamilya singer na si Darren Espanto, sumakay sa 'jeep' sa unang pagkakataon

Kapamilya singer na si Darren Espanto, sumakay sa ‘jeep’ sa unang pagkakataon

Ibinunyag ng Kapamilya singer at ‘heartthrob’ na si Darren Espanto na unang beses niyang nakasakay ng Jeep na maituturing na pambansang sasakyan dito sa bansa.

Sa kanyang post, ibinahagi ni Darren na nakasakay siya ng jeep sa unang pagkakataon bilang parte ng kanyang performance para sa TikTok Awards Philippines 2022.

Makikita sa mga larawan ang pagsakay ni Darren kasama ang iba pang content creators sa personalized jeep.

“Got to ride a jeepney for the first because because of #TikTokAwardsPH2022,” sabi ni Darren.

Matatandaan na noong 2014 pa lamang ay nasa Pilipinas na si Darren kaya naman ikinagulat ng ilang netizens na ngayon pa lamang pala makakasakay sa jeep ang singer.

“Can’t believe na sa tagal mong nasa Pinas, now ka palang nakasakay ng Jeep HAHAHAHA,” wika ni @cherryanm_

“Musta nman ang 1st experience mo sa pagsakay ng jeep @darrenespanto?” sabi ng fan na si m.katrina_dvt.

“Wait… Darren never road in a Jeppney in his entire life??? That’s the first thing I did on my first trip to the Philippines. Hmmm… I don’t know if he should have shared this, lol.” komento naman ni @dbyahraes.

Ipinanganak si Darren sa Calgary, Canada at doon na lumaki at nag-aral.

Umuwi lamang ito ng Pilipinas upang lumaban sa The Voice Kids kung saan ay naging finalist siya.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular