HomeCelebritiesJudy Ann Santos, 'naiyak' sa presyo ng sibuyas: "Naiisip pa lang kita,...

Judy Ann Santos, ‘naiyak’ sa presyo ng sibuyas: “Naiisip pa lang kita, naiiyak na ko sa presyo mo!”

Kahit ang celebrity chef na si Judy Ann Santos ay umaaray narin sa presyo ng sibuyas sa merkado.

Sa kanyang Instagram story, idinaan nalang ni Judy Ann sa biro ang kanyang pagkadismaya sa presyo ngayon ng puting sibuyas.

Ayon kasi sa kanya ay umabot sa P550 ang kilo ng sibuyas na nabili niya.

“Sibuyas na puti!! Nakakaloka ka! Dati, kailangan ka munang hiwain bago maluha… ngayon, naiisip pa lang kita naiiyak na ako sa presyo mo!” sabi ni Santos sa kanyang Instagran story post.

juday 1
Larawan mula sa Instagram ni Judy Ann Santos (@officialjuday)

“Pero dahil kailangan kita, kaysa mas kailangan mo ako, ha-hug kita at nanamnamin kita bago kita iluto… importanteng namnamin ka dahil 550 ka per kilo! Kalerks!” dagdag niya pa.

juday 2
Larawan mula sa Instagram ni Judy Ann Santos (@officialjuday)

Matatandaan na nagreklamo narin ito noon sa taas ng presyo ng bilihin na naging dahilan diumano para mahirapan siya sa pag-iisip ng bagong recipe na ibabahagi niya sa mga netizens.

“Ang hirap kasing mag-isip ng mga episode especially kung ang pagtaas ng presyo ng bilihin ay napakalala.” paliwanag ng aktres.

“Ayaw kong maka-relate ‘yung viewers sa kung ano mang lutuin ‘yung gagawin ko kasi parang napaka-unfair naman ‘di ba?” dagdag niya pa.

Binatikos naman ito ng isang dating contestant ng MasterChef kung saan ay naging judge din si Juday.

“Diskarte ghorl….mag-isip ka ng mga puede mong ipalit na ingredients juicemio….palibhasa sa mamahaling culinary school nag-aral eh….” wika ni Pebbles Cunanan.

READ MORE: Dating MasterChef contestant, pumalag kay Judy Ann Santos: “Palibhasa sa mamahaling culinary school nag-aral!”

Hindi lamang ang aktres ang unang celebrity na umaray sa presyo ng sibuyas sa merkado.

READ MORE: Cherry Pie Picache, tinulungan ng mga netizens na makahanap ng murang sibuyas sa gitna ng reklamo nito

Nitong Agosto 11 lamang ay nagreklamo ang aktres na si Cherry Pie Picache dahil sa wala siyang mahanap na sibuyas at kung mayroon man ay nasa 500 ang kilo nito.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular