HomeSocial MediaIna ni Princess Marie Dumantay, may mensahe kay PBBM: "Gumamit po kayo...

Ina ni Princess Marie Dumantay, may mensahe kay PBBM: “Gumamit po kayo ng kamay na bakal!”

Nanawagan ang ina ng nasawing 15-anyos na siklista na si Princess Marie Dumantay sa kasalukuyang pamumuno na sana’y paigtingin nila ang paglaban sa mga masasamang tao.

Matatandaan na si Dumantay ay nakitang wala ng buhay sa Bulacan matapos itong mabiktima ng 45-anyos na si Gaspar Maneja Jr. na nagtatago sa alyas na Jose Francisco Santos.

Sa panayam ng PNP kay Mrs. Perlita Dumantay ay hindi nagdalawang isip ang ginang na katukin si Pangulong Bongbong Marcos Jr. na sana’y maging mahigpit ito sa pagpapatupad ng batas at gumamit ng kamay na bakal.

screencap 2022 08 19 at 11.11.12 AM

“Parang-awa ninyo na mahal na Pangulong Marcos, pakinggan ninyo ang mga biktima, ang mga kadalagahan na nawawala dito sa ating bansa. Pakiusap po gumamit po kayo ng kamay na bakal. Kawawa naman po kaming mga kababaihan, ang aming mga anak na siyang pasibol pa lang pero anong nangyayari? Nasaan ang ating batas?” ani Mrs. Dumantay.

“Pangulo, parang awa ninyo na hindi lang po ang aking anak ang nabibiktima dito. Marami pa pong nauna. Paano pa po kung hindi ‘yan masusupil ng ating mga kapulisan? Paano na po ang iba pang mabibiktima. ‘Wag naman po sana maulit pa ang ganito. Pakiusap ko po sa inyo mga mambabatas, kapulisan, lahat ng gobyerno, pakiusap, i-ano natin ang batas na bakal sa mga demonyo at walang-awang suspek na ito,” dagdag niya pa.

Matatandaan na kaliwa’t kanan ang nangyayaring pagkawala ng mga kababaihan ngayon sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Maliban kay Princess Marie ay may ilan ding kababaihan ang nakitang wala ng buhay sa parehong probinsya.

 

Ilang netizens tuloy ang napapaisip kung naputol na nga ba ang kamay na bakal na pamumuno ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na kilala sa kanyang pagiging mahigpit sa pagpapatupad ng batas.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular