HomeSocial MediaIlang netizens, hinimok na si PBBM na gumamit na ng 'kamay na...

Ilang netizens, hinimok na si PBBM na gumamit na ng ‘kamay na bakal’: “TAMA NA ANG PAGIGING MABAIT AT KALMADO!”

Ilang netizens ang inilabas ang kanilang pagkadismaya kay Pangulong Bongbong Marcos Jr. dahil sa tila pananahimik nito sa kabilaang pagkawala ng mga kababaihan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Sa ilang Facebook post, ibinahagi ng mga netizens ang mga missing poster ng mga nawawalang kababaihan katulad nila Jovelyn Galleno at Yuhna Radam.

Matatandaan na ang ilan sa mga nawalang kababaihan katulad nila Princess Dumantay, Juliana Marie Pansacula Billones at Princess Diane Dayor ay nakitang wala ng buhay ng mga otoridad.

Kaya naman hiling ng ilang mga netizens ay sana’y gumawa na ng aksyon si Marcos tungkol sa mga nangyayari sa mga kababaihan.

“NANAWAGAN NA ANG MGA KABABAYAN NATIN NA IBALIK ANG KAMAY NA BAKAL Bongbong Marcos Inday Sara Duterte Senator Imee R. Marcos hinahanap nila ung pamumuno ni Duterte TAMA NA ANG PAGIGING MABAIT AT KALMADO PLS KAMAY NA BAKAL NA..” ani netizen Arian Josh Bilaran.

“OH DIBA NGAYON WALA NA SI DIGONG NGAYON NYO LANG NAAPRECIATE YUNG MGA GINAWA NYA PARA SA BANSA NATIN,” dagdagn niya pa.

screencap 2022 08 23 at 6.55.44 AM

“Calling the attention of President Bongbong Marcos. Naglipana nanaman po ang kriminalidad sa Pilipinas. We’re hoping na aware po kayo sa mga nangyayaring ito.” sabi ni VMAN Pineda.

“Nawala na ang takot ng mga kriminal nang bumaba na sa pwesto si President Rody Duterte. Nawala na ang kamay na bakal ng Pilipinas.” dagdag pa niya.

screencap 2022 08 23 at 6.52.24 AM

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang pangulo sa mga nangyayaring pagkawala ng mga kababaihan sa bansa.

Samantala ay nagsalita naman si Sen. Imee at hinimok ang mga otoridad na imbestigahan ang mga nangyayari sa mga kababaihan.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular