HomeCelebritiesSulat ni Ninoy Aquino noon kung saan pinuri niya si Imelda Marcos,...

Sulat ni Ninoy Aquino noon kung saan pinuri niya si Imelda Marcos, kumakalat muli sa social media

Sa paggunita ng Ninoy Aquino Day ay ibinahagi ng direktor na si Darryl Yap ang isang sulat na naging parte ng kasaysayan ngunit hindi masyadong napag-usapan.

Sa kanyang post, ibinahagi ni Yap ang sulat ni dating senador Ninoy Aquino kung saan ay todo ang pagpapasalamat nito sa dating unang ginang na si Imelda Marcos.

Ito’y dahil sa isa si Aquino sa mga nakinabang sa proyekto ni Marcos na Philippine Heart Center na matatandaang binabatikos noon ng dating senador.

Makikita sa sulat ang pagpapasalamat ni Aquino kay Dr. Aventura na naging doktor ng dating senador na matatandaan na mayroong kumplikasyon sa puso.

Matapos ang kanyang pamamalagi sa Heart Center ay sinabi ni Aquino na binabawi niya na ang mga pambabatikos niya kay Marcos.

“In the past, I’ve been most critical of the First Lady’s project. Now that I’ve seen what she has done here at the Heart Center – I take back all my harsh words – Hoping I do not choke.” ani Ninoy.

“Mrs. Marcos deserves all the credit for giving our people such an institution like your heart center. It is indeed ironical that one of her bitterest critics would be a beneficiary of her foresight.” dagdag pa niya.

Ayon kay Yap ay posibleng ito ang maging konsepto ng kanyang susunod na pelikula matapos maging blockbuster ang Maid in MalacaƱang.

Nitong 2019 ay ibinahagi narin ni Atty. Larry Gadon ang nasabing sulat kung saan makikita pa ang pagkikita ni Aquino at ni Marcos sa New York noong Mayo 1983, tatlong buwan bago ang pagpanaw niya.

Wala pang pahayag ang pamilya Aquino kung totoo nga ba ang nasabing sulat.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular