HomeSocial MediaLaw students na posibleng maging estudyante ni FL Liza Marcos sa WVSU,...

Law students na posibleng maging estudyante ni FL Liza Marcos sa WVSU, nagprotesta gamit ang damit nila

Matapang na nag-protesta ang ilang law students ng Western Visayas State University (WVSU) matapos payagan ng nasabing unibersidad si First Lady Liza Marcos na maging propesor doon.

Nitong Agosto 15, makikita na nagsoot ng itim na shirt na may mensaheng #NeverAgainToMartialLaw ang ilang estudyante ng WVSU na dumalo sa College of Law orientation.

Ito’y parte ng kanilang protesta dahil sa ayaw nilang maging propesor si Marcos.

Ayon kasi sa ilang estudyante doon ay magpapakalat lang diumano ng maling impormasyon ang unang ginang sa unibersidad.

“It will never be a good example to the students to have a Marcos, who is the primary violator of laws and has pending accountabilities to the nation,” sabi ng WVSU University Student Council.

Itinanggi naman ito ng mga tagasuporta ni Marcos.

kl08na3jgvh91

Ngunit sa kabila ng protesta ay tila tuloy tuloy na ang pagtuturo ng unang ginang sa WVSU.

Nitong Agosto 19 ay binista ni Marcos ang nasabing unibersidad kung saan ay nakatakda siyang magturo ng Criminal Law 1.

Makikita rin na bilang parte ng pagpunta ni Marcos sa WVSU ay nagpailaw ng kulay berde at pula ang unibersidad na political color ng tambalang BBM-Sara.

Sa ngayon ay wala pang komento si Marcos sa mga natatanggap niyang pambabatikos mula sa mga estudyante ng WVSU.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular